Sunrise
"Leave me alone!" halos isigaw ko 'yon kay Crystal. Gusto kong ibato ang phone ko, but I'm too broke para bumili ng bago so pinigilan ko na lang ang self ko.
"Makinig ka sa akin, Vera..." she said with her very convincing voice.
Marahas akong umiling kahit hindi naman niya nakikita 'yon. Ni hindi ko nga maibigay ng buo ang trust ko kay Julio, sa kanya pa kaya? Sino ba siya?.
Kaagad akong pinatay ang tawag. After that ay hindi na ako nagkaroon pa nang lakas na lumabas at magpakita kahit na kanino. Halos magkulong lang ako sa room at humiga, mahigpit din ang hawak ko sa comforter, ni ayokong magpakita...gusto ko na lang maglahalo na parang bubbles.
Gulong gulo ang mind ko, gusto kong maniwala sa kanya na buhay ang Daddy ko. Gusto kong makakuha ng information pa about it pero may nafe-feel din akong takot. Crystal is someone na tanga lang ang maniniwala...I'm not tanga.
Halos malukot ang comforter dahil sa higpit nang pagkakahawak ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng room namin at ang pagpasok ni Julio.
"Vera..."
Hindi ako gumalaw o sumagot man lang sa kanya. Hindi ko din nagawang pumikit para magpanggap na I'm sleeping.
"Vera, masama ba ang pakiramdam mo?" marahang tanong niya sa akin.
Halos kainin ng malalaking hakbang niya ang pagitan naming dalawa. Napaawang ang bibig ko and para akong binuhusan ng malamig na tubig nang salatin niya ang noo and neck ko.
"May problema ba?" marahang tanong niya sa akin.
Sandali ko lang sinuklian ang tingin ni Julio sa akin. After that ay hinid na ulit ako nag-abala na tingnan siya. Hindi ko siya matingnan straight sa mata.
What if Crystal is right na hindi ko pa kilala si Julio? What if akala ko kilala ko siya juts because I love him?. Paano kung ang totoo lang kay Julio ay ang pagiging attractive niya and macho pero the rest ay puro kasinungalingan na?.
"Masama ang pakiramdam mo? Dahil kay Baby?" tanong niya pa din sa akin.
Halos mapakagat ako sa aking lower lips nang maramdaman ko nanaman ang malaki and mainit niyang palad sa tummy ko. Kahit may suot akong damit ay ramdam na ramdam ko 'yon.
Napapanguso na lang ako everytime I felt how comforting Julio's touch was. Gustong gusto siya ni Baby kaya naman damay din tuloy ako.
"W-walang kasalanan ang baby ko," laban ko.
Mahina siyang ngumisi pero ramdam pa din doon ang pagod, lungkot, and different emotions.
"Baby natin. Gustong gusto ko pag sinasabi mong anak natin," pag-amin niya.
Hindi ako umimik with what he said. Nanatili lang akong nag-iwas ng tingin. I want to tell him na lumabas na lang muna because gusto kong mapag-isa pero nakaka-inis na at the same time ay gusto ko ang presence niya.
Si Baby nanaman ang may gusto ng presence ng Daddy niya...I'm damay nanaman.
Mahina na akong napasinghap nang lumipat ang haplos ni Julio sa ulo ko, marahan niyang hinaplos ang buhok ko na para bang he wants me to feel calm para makatulog ako.
"Hindi ako aalis dito hanggang sa makatulog ka," paninigurado niya sa akin.
My head hurts dahil sa dami ng gusto kong isipin. Even ang brain ko gusto na atang mag-give up sa pag-iisip. My body wants na din ata to break down dahil pagod na siya. Pagod na din ang heart ko pero wala naman siyang ibang kayang ma-recognize kundi pain. I'm too pagod for everything.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.
