Chapter 42

59.5K 2.4K 1.3K
                                        

Bridal shower





I was holding my self na lang not to make sa scene. Sampal na iyon for me na marinig ang pag-uusap nilang tatlo. But I realize na kung malalaman nilang tatlo na I'm hurt dahil narinig ko ang mga iyon ay magmumukha lang akong kawawa. I won't let that happen dahil hindi iyon deserve ng ganda ko.

"Let's eat lunch outside, my treat," yaya sa kanila ni Tita Cynthia.

Narinig ko ang pagpalakpak ni Crystal na para bang she's excited. Akala mo naman ngayon lang makakatikim ng libre.

Natigil ang pag-irap ko nang ma-feel kong ang mabigat na hakbang ni Julio palapit sa may table. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi when I remember yung lunch box na dala ko. Sana pala hind ko na lang siya dinalhan ng soup.

Why ko ba kasi naisip na baka he needs that kasi may hangover siya? Sa kalagayan niya ngayon ay mukha wala naman.

"Kanino galing?" tanong ni Crystal and naramdaman kong lumapit din siya kay Julio.

If kaya lang ng strength ko ay lalabas ako dito sa ilalim ng table at babaliktarin ito. Magpasalamay sila because I know how to control my emotions, it's always grace under pressure...and galit.

Hindi nagsalita si Julio. Hindi nanaman siya nagsalita, kanina pa siya tahimik and hindi ko man lang narinig na ipinagtanggol niya ako or even say my name. Mas lalo niya lang pinapatunayan sa akin na enemy ko siya and sayang lang yung pagiging guilty ko.

Pagak na tumawa si Crystal. "Baka galing sa girlfriend mo kuno," pang-aasar niya dito.

Kumirot ang heart ko dahil sa mga sinasabi niya. Kahit she think Crystal siya pero yung ugali niyang pang pwet ng baso ay naiinis ako kasi naaapektuhan pa din ako sa sinasabi niya.

"Hindi pupunta si Vera dito," seryosong sabi ni Julio sa kanila.

Ngumisi si Crystal and narinig ko pang binuksan niya ang lunchbox. Looks at this pakialamera.

"Soup? May hangover ka ba? Akala ko ba hindi mo sinabi na iinom kayo kagabi?" sunod sunod na tanong ni Crystal.

Mas lalong bumagsak ang shoulder ko at napayuko na lang. Kasama ata sa plan nila na wag sabihin ni Julio sa akin ang whereabouts niya kagabi para mabaliw ako sa kakaisip and pag-aalala.

"Tigilan niyo na iyan...ayusin mo 'yan, Julio."

Si Tita Cynthia iyon. Kahit papaano ay naa-appreciate kong she wants me na hindi madamay dito pero it didn't change naman the fact na she knows din about the plan.

"Kakainin mo?" nakangising tanong ni Crystal sa kanya.

Hindi nanaman sumagot si Julio kaya naman tuluyan nang nanlabo ang aking mga mata dahil sa tears.

"Hayaan mo muna diyan," seryosong sabi ni Julio pero hindi natinag si Crystal.

Narinig ko ang pagbukas niya sa trashcan and itinapon ang soup na dala ko pati ang lunch box ni Yaya Esme. Humanda siya kay Yaya Esme, isusumbong ko siya.

"Let's go," yaya ni Crystal kay Julio bago sila sabay na lumabas para sumunod kay Tita Cynthia.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. I feel so weak and kawawa, ito yung pinaka ayokong maramdaman. Ayokong dumadating sa part na naaawa ako sa sarili ko. I always want to be strong for my self.

Nagpalipas muna ako nang ilang minuto bago ako tuluyang lumabas sa office ni Julio. Na-confirm ko na it's safe na lumabas nang makita kong wala na ang car niya sa may parking space.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon