Horse
Naging busy si Daddy the next day. Palagi pa din akong nakabantay sa bawat galaw niya sa takot na umalis siya bigla at iwan nanaman ako.
"Can I come with you po sa site?" tanong ko sa kanya.
Yakap ang drawing book ko ay sinadya ko talaga siya sa room niya. He's busy with some documents kaya naman kahit sinasagot niya ang mga tanong ko sa kanya ay nandon naman ang atensyon niya kaya hindi ako contented.
"Daddy...pretty please," pakiusap ko sa kanya nang tumayo ako at nilapitan pa siya para lang kuhanin ang kanyang atensyon.
Mula sa mga documents ay lumipat ang tingin niya sa akin at tipid akong nginitian bago niya ginulo ang buhok ko. Nakanguso kong sinuklay ang hair ko dahil sa ginawa ni Daddy, pang bata lang iyon ay ayoko ng ginugulo ang hair ko.
Mas lalo siyang ngumiti nang makita ang aking ginawa.
"You should stay here. Take a rest, draw, or makipaglaro ka sa mga pinsan mo," he told me kaya naman halos malukot ang mukha ko.
"But Daddy, I'm not bata anymore to play pa with Gertie. Baby pa yun eh," giit ko sa kanya.
Lumuhod siya sa harapan ko para magpantay kami. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi bago niya ako hinila at hinalikan sa noo.
"Mahal na mahal ka ni Daddy, Vera."
Mariin kong tiningnan si Daddy. "You'll gonna leave na for Manila?" tanong ko sa kanya.
Isang sabi niya lang ng oo or even tango lang ay iiyak na kaagad ako. I'll cry then babalik ako sa room ko kaagad para mag-empake.
Ngumisi siya. "Hindi pa, may tinatapos pa kami ni Tito Keizer mo tungkol sa mga property. Magpapaalam ako sayo kung aalis na ako," paninigurado niya sa akin kaya naman mas lalong humaba at tumulis ang nguso ko.
"Sabi ko na eh, you don't have plan to bring me with you sa Manila."
"Vera anak...uuwi ako tuwing weekends. Susunduin kita dito at mamamasyal tayo. Konting tiis lang..." he said.
As much as I want to protest at nanghina din ako ng maramdaman ko ang pagod at lungkot sa boses ni Daddy.
Muli kong naalala ang reason kung bakit hindi na namin kasama si Mommy ngayon. Wala siyang ipinakitang kahit ano sa akin, ni hindi ko siya nakitang umiyak o nagmukmok sa room niya. He stayed strong para sa akin.
Bumagsak ang balikat ko. I want to show him how understanding I am as a daughter pero hindi ko talaga mapigilan.
"How much po ba yung konti lang?" tanong ko.
Itinaas niya ang kamay niya sa harapan ko para ipakita ang konting sinasabi niya. Kumunot ang noo ko at sumama ang tingin doon. Before I can even protest ay kaagad na niyang pinisil ang ilong ko kaya hindi na ako nakapagsalita pa.
Umalis ulit si Daddy with Tito Keizer kaya naman muli akong nagkulong sa aking kwarto para gumawa ng panibagong drawing na kami lang ni Daddy. Bago ko iyon simulan ay ilang minuto pa akong napatitig sa family picture namin.
Gusto kong magalit kay Mommy. Galit ako sa kanya for leaving us dahil sa ibang lalaki. Galit ako sa kanya dahil I'm not enough as her child for her to stayed by our side.
And I know how she loves Daddy noong rich pa kami. I know how much she cared for him pero ng time na mas kailangan siya ni Daddy...tsaka niya naisip na iwanan kami.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomantizmThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.
