[A/n] Hi, CarCatians! You can follow me on my socmeds account to be more updated regarding my updates schedule. Twitter, Insta, and Fb "Maria_CarCat". Keep safe always, and love lots! Maria.
----------------------
Give way
I really appreciate Hob's effort para lang makausap ako. Kahit naman halos work ang pinaguusapan nila ni Julio ay nagagawa pa din niyang mag change ng topic para lang makasali ako.
I have a couple of suitors noong nasa US pa ako. Pero wala pa iyon sa mind ko that time. Bukod sa abala ako kina Gertie and Gianneri ay wala talaga ni isang pumasok sa mga tipo ko. I'm not into someone who is gwapo or someone na rich, maraming ganoon pero iba pa din talaga if you fell inlove with no reason.
You love them because you feel it, not because may nakita kang something sa kanila na sooner or later ay mag fa-fade lang. Good looks will fade when we get older, rich guys? Baka maghirap sila sa akin dahil sa mga lifestyle ko. And if being rich lang din naman ang paguusapan...I'm rich na!.
Kahit ilang linggo na akong nakauwi ay naninibago pa din ako sa oras kaya naman kung minsan ay nagigising ako in the middle of the night. Kung hindi naman sa madaling araw ay masyadong maaga sa normal na gising ko noong nasa US ako.
I don't have a healthy sleeping routine unless nakainom ako ng wine or super pagod ako sa work.
Dahil maaga nanaman akong naging the next day, I decided to go for a run lalo at halos everyday may kainan sa Villa because of the ganaps. I'm ready na to jog while wearing a black racerback top and a black long cycling short.
Madilim pa sa labas and papasikat pa lang ang araw kaya naman hindi pa muna ako lumabas. I'll jog pag medyo maliwanag na. Nakahalukipkip ako habang nakatingala at hinihintay na lumabas ang araw. Sunrise is a representation of hope, that's what I love about it.
"Oh hindi ka pa tatakbo?" tanong ni Yaya Esme sa akin ng maabutan niya ako. Kagagasing lang din niya and kakalabas ng room niya.
"Later na pag may araw na," sagot ko sa kanya.
"Mag sunblock ka!" sita niya sa akin kaya naman ngumisi ako.
"Yaya Esme, healthy pa ang sunlight till 9 am," laban ko sa kanya.
Humikab pa muna siya bago niya ako muling sinagot. "Kahit na! Hindi na ganuon ka healthy kagaya ng dati...manipis na ang ozone layer natin," she said kaya naman napangisi ako.
"Yaya Esme, kakanuod mo yan ng telenovela," pangaasar ko sa kanya kaya naman mariing napapikit si Yaya Esme at napayakap pa sa sarili niya. Looks like she's antok pa.
"I'll jog na, Yaya..." paalam ko sa kanya at handa na sanang tumakbo ng pigilan niya ako.
"Bilhan mo ako ng taho!" sabi niya sa akin kaya naman sumimangot ako.
"Really, Yaya Esme? The taho will ruin my OOTD, Oh please!" giit ko.
"Parang gusto kong kumain ng taho ngayon...parang naglilihi ata ako," pang-aasar niya sa akin and humawak pa siya tiyan na kunwari ay may lamang baby iyon.
Napairap ako sa kawalan kaya naman napabuntong hininga na ako. "Ok fine. I'll buy you a taho...pati yung vendor dadalhin ko for you!" sabi ko sa kanya kaya naman napatawa siya.
"Yung gwapo ha!" laban pa niya sa akin kaya naman muli akong umirap.
May sasabihin pa sana si Yaya Esme ng kaagad na akong tumakbo palayo at kumaway pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.
