Chapter 16

50.8K 1.8K 663
                                        

Bruno



Nasa loob lang ako ng room ko the next day dahil dumating nanaman ang mga Herrer. I don't have a problem naman with them at all. Kung hindi lang ako ang nahihirapan everytime I saw how hard it is for Piero to maintain his pag-irap sa akin ay baka tabihan ko pa siya.

Sandali kong pinanuod ang tawanan nila sa may garden bago ako napabuntong hininga at muling bumalik sa pagkaka-upo at binuksan ang librong binabasa ko. Gertie tried to invite me na makihalubilo sa kanila pero I think mas better kung hindi na lang muna. I don't want to cause any trouble, at baka masira lang ang kasiyahan nila of awkward ang atmosphere sa pagitan namin ni Piero.

Tahimik na sana ang lahat hanggang sa magkaroon ng kaguluhan. I also want to cry ng malaman kong nawawala si Yaya Esme. She was kidnapped, bumalik ang lahat ng takot sa akin. Hindi ko nanaman alam ang gagawin ko sa oras na may hindi magandang mangyari sa kanya.

Pero I need to be strong ng makita kong nauna ng umiyak si Gertie.

"Shh...Don't cry, Gertie. Makikita ka ng anak mo, wag kang umiyak sa harap nilang lahat," suway ko sa kanya. I don't want to see her cry, mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko.

Mahigpit siyang yumakap sa akin kaya naman niyakap ko siya pabalik. Humiwalay lang siya sa akin ng marinig niya din ang iyak ni Gianneri. I think ramdam ni Gianneri na nasa panganib si Yaya Esme. Close pa naman silang dalawa at mukhang magiging part pa ng squad ni Yaya Esme.

Naikuyom ko ang kamao ko ng dumating si Bea na anak ni Mang Henry. Si Mang Henry ang suitor ni Yaya Esme then this Bea bitch ang anak niyang pati si Gertie ay inaaway.

"Selfish ka kasi, You bitch," gigil na sabi ko sa kanya. I don't care kung madaming tao and nandito ang buong pamilya ni Eroz. Kung hindi lang ako kalmado ay baka nasampal ko pa siya.

Kumalma din ako ng dumating si Alice. I really need a friend as of this moment. Ramdam ko din ang tingin ni Hobbes sa akin na para bang gusto niya akong lapitan kanina pa pero I did my best para lang hindi magtagpo ang mga mata namin.

Kailangan ko na siyang iwasan dahil he's not healthy for me, and sa friendship namin ni Alice if ever na lumalim pa ang kung anong appreciation ko sa kanya.

Buong gabi akong gising para bantayan si Gianneri. Umalis sina Gertie kasama ang mga cousins ni Eroz para iligtas si Yaya Esme. Gusto ko din sanang sumama pero baka hindi ko kayanin.

I'm a strong person pero if nandoon na sa ganoong situation ay baka ang pag-iyak lang ang maging ambag ko.

"Damn, ang iingay!" reklamo ko pagkababa ko kinaumagahan. Sa amin naiwan ang lahat ng bata.

Inirap ko ang mga nagkalat na laruan sa sahig lalo at ramdam ko ang tingin ni Hobbes sa akin. Lumipat ang tingin ko kay Alice na karga ngayon si Gianneri.

"Akin na nga si Gianneri, siya lang naman ang pamangkin ko," sabi ko sa kanya kaya naman humaba ang nguso ni Alice pero nanatili akong nakasimangot.

Niyakap at hinalikan ko kaagad ang tahimik na si Gianneri. Hindi karaniwan iyon for me dahil alam ko kung gaano kadaldal ang batang ito. She's sad talaga kaya naman I really need to be strong for her.

Napahinto ako sa paglalakad ng may humarang na baby sa paanan ko. Siya yung kanina pa gapang ng gapang and yung nagkakalat ng mga laruan. Kung may naapakan lang ako at sumakit ang paa ko ay siguradong sa garden ang bagsak nilang lahat.

"Ayoko sayo, kamukha mo si Piero," sabi ko dito. Even without a word or introduction ay alam mo kaagad na si Piero ang ama ng batang iyon dahil kamukha niya.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon