Chapter 14

40.3K 1.7K 412
                                    

Appreciate



"Galit ka again?" tanong ko sa kanya.

I thought medyo ok na kami kanina. Nakikipagtawanan siya with his friends habang hinayaan niyang ipahawak ko ang chicken feet sa kanya.

"May nagawa ba akong...wrong? Mali ba ang pagkain ko ng chicken feet?" tanong ko sa kanya pero hindi pa din niya ako pinansin.

Napatingin ako sa paligid at dahan dahan kong na-realize kung bakit. Kaming dalawa lang kaya naman galit ulit siya sa akin, pero pag kasama namin ang mga friends niya ay casual naman siya.

Nakita ko kung paano ulit siyang tumungga ng hard liquor na para bang tubig lang iyon. Ako na ang napangiwi para sa kanya.

"Don't drink too much. You'll gonna drive pa pauwi," suway ko sa kanya.

Matalim ang tingin niya sa akin ng lingonin niya ako.

"Ano pa bang ginagawa mo dito?" masungit na tanong niya.

Bumigat ang dibdib ko sa klase ng tanong niya. Looks like I know a what he wants to point out.

"Uhm...house namin ito," sabi ko kaya naman mariin siyang napapikit.

"Ano bang gusto mo, Vera?" madiing tanong niya.

"Gusto ko ding maging friends kayo," sabi ko sa kanya.

Nakita kong masaya si Gertie with them. Ang sabi pa nga niya sa akin ay parang family na ang turingan nila. I want to have a real friends too!

"And you think ganoon kadali iyon?"

"Yes, if you will let me. Eh ang kaso you don't want me ata to be part of your circle of friends," sabi ko sa kanya.

Sa totoo lang ay gusto ko ng tumakbo palayo at pumasok sa bahay dahil kanina pa nagiinit ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Sobrang bigat na din ng dibdib ko dahil sa isiping for the nth time ay wala nanamang may gustong makipag-kaibigan sa akin.

"Why ba ang init ng dugo mo sa akin?" tanong ko.

Nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko para lang madama ko kung gaano kadiin ang mga salitang binitiwan niya.

"Ayoko sayo para sa mga kaibigan ko," sabi niya.

Nilabanan ko ang tingin ni Julio sa akin. Gusto kong maiyak sa harapan niya because hindi ko alam kung bakit niya ako ginaganito. Kahit nung magkita kami sa airport ay ganito na kaagad ang approach niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"You really think na gusto ko yung mga friends mong kumakain ng chicken feet?" laban ko sa kanya. I didn't mean it naman, they are nice naman sa akin pero the least I can do is to save my ego.

Mas lalong nagtiim bagang si Julio. Tinaas ko pa lalo ang chin ko para ipakita sa kanya na hindi ako magpapatalo sa kanya.

"Kumakain kayo ng chicken feet, chicken leeg and the dirty chicken intestine, like eww!" sambit ko.

Mas lalo akong nabigla ng ngumisi si Julio imbes na mas lalo siyang magalit.

"Sa tingin mo magugustuhan nila ang katulad mong sarili lang ang iniisip?"

"That's not true!" giit ko.

Mas lalo siyang ngumisi. "At sinungaling..."

Napatayo na ako pero si Julio ay nanatiling kalmado pa din.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon