Bond
"Oh Vera, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Daddy sa akin ng makita niya ako. Kita ko ang gulat niya, isang beses pa siyang lumingon sa may Veranda kung nasaan si Lola.
"I thought you left me again," malungkot na sabi ko sa kanya.
Parang lalabas ang heart ko kanina sa takot at kaba habang iniisip na umalis si Daddy at iniwan nanaman ako. I don't want him to leave. Kung aalis man siya...sasama ako whatever it takes.
Tipid siyang ngumiti sa akin. Muli kaming bumalik sa room ko para daw ipakita sa akin ang mga pasalubong niya for me.
"Daddy, those things can't take away my sadness po. Sama na po ako sa Manila," pakiusap ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa pag-unpacked ng mga pasulubong niya sa akin. I somehow felt the excitement sa tuwing may nakikita akong things na gusto ko. Pero it's a temporary happiness lang naman, I know what matters most.
"Daddy..." tawag ko sa kanya. Yumakap pa ako sa braso niya para lang pansinin ako.
"Vera anak, I'm doing this for you. Soon...you'll realize kung bakit kailangang magkalayo tayo sa ngayon," paliwanag niya sa akin.
But now matter how he tried to make me understand this set up...hindi ko talaga maiintindihan dahil ayokong inintindihin.
Mas lalong bumagsak ang magkabilang balikat ko.
"Miss ko na si Mommy. Miss mo na din po ba si Mommy?" tanong ko sa kanya.
Dahil sa aking tinanong ay muling nag-iwas ng tingin si Daddy sa akin at kunwaring naging abala nanaman sa mga pasalubong niya sa akin.
"Miss kaya ako ni Mommy?" tanong ko sa kawalan. Hindi ko naiwasang hindi maging emotional kaya naman medyo nag crack ang voice ko.
"Sabi ni Mommy love niya ako...pero she left me, she left us," sabi ko pa.
"Vera, pag may taong umalis...wag mo nang hahanapin," sabi ni Daddy sa akin kaya naman nagulat ako at kaagad na napatingin sa kanya.
"But Daddy, si Mommy po iyon...hindi basta kung sino lang. Mommy ko po iyon, wife niyo po iyon," pagpapaintindi ko sa kanya.
I felt like masyado ng kinain si Daddy ng work niya. Masyado siyang nagfocus sa company at sa kung anong ipinapagawa ni Lola sa kanya just to please her. It's not healthy anymore.
"I don't want to hurt you, Vera. But..."
Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Daddy. Wala pa man siyang sinasabi ay nalulungkot na din ako.
"She left us for another man," he said na ikinalaki ng mata ko.
"That's not true!" giit ko.
Hindi nagsalita si Daddy, nanatili siyang nakayuko na para bang wala na siyang lakas pang magpaliwanag sa akin. He said what he said, nasa akin na alng kung maniniwala ako o hindi.
"Love tayo ni Mommy, hindi niya iyon gagawin sa atin," giit ko pa.
Napasinghap si Daddy. Wala na siyan nagawa kundi ang hilahin ako palapit sa kanya at niyakap. Niyakap ko siya pabalik.
"You are all I have po, Daddy. Please don't leave me here," umiiyak na pakiusap ko sa kanya.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.
"Ikaw na lang din ang meron ako, Vera. Gagawin ko ang lahat para sayo. Para sayo ang lahat ng ito," paninigurao niya sa akin.
Nakatulog ako ng maayos ng gabing iyon ng mangako siya sa aking hindi siya aalis na hindi nagpapaalam sa akin. Atleast I have assurance na may chance pa na maawa si Daddy sa akin at isama ako sa Manila.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.
