Chapte 38

57.1K 2K 825
                                        

Wine





I'm so guilty for what I did kaya naman hindi na ako nakapunta sa house ni Julio that day. I told him na lang na masama ang pakiramdam ko and I want to rest sa bahay namin.

"Oh, ang aga mo atang umuwi ngayon," bati sa akin ni Yaya Esme.

Gusto kong ipakita sa kanya na ayos lang ako but I'm too matamlay to even smile at her.

"I'm ayos lang," sabi ko na lang sa kanya kahit I know naman na hindi maniniwala si Yaya Esme.

Mabilis niyang binitawan ang ginagawa niya para lapitan ako. Hinarap niya ako at nilagay ang hand niya sa leeg ko to check if may sakit ba ako.

"Wala ka namang lagnat. Bakit ang tamlay mo?" sabi niya.

Biglang uminit ang pagkabilang gilid ng mata ko because of that.

"Because I'm pagod, Yaya Esme," sabi ko sa kanya at kaagad na yumakap sa kanya.

Mas lalo akong naging emotional nang yumakap din siya pabalik sa akin. I want to talk about may pinagdaraanan ngayon. I want to tell someone yung nararamdaman ko pero hindi ko alam kung paano.

This is not a minor problem lang naman na magagawan kaagad nang solusyon. Maraming ma-aapketuhan pag lumabas ang problema na ito. Maybe tahimik na kumikilos ang side nila Julio for now, pero darating ang araw na magkakagulo nanaman because of this case.

"Ano bang problema?" marahang tanong ni Yaya Esme sa akin.

Humigpit ang yakap ko sa kanya bago ako umiling. I just need her hug, I just need to know na kahot anong mangyari...I have them. Kahit magalit sa akin ang lahat, at the end of the day ay mayroon akong family na uuwian.

"Super bad ko siguro talagang tao," sumbong ko kay Yaya Esme.

Marahang siyang umiling habang hinahaplos niya ang aking likuran.

"Hindi iyan totoo...masungit ka lang talaga at suplada minsan pero mabait ka," sabi niya sa akin at natawa pa.

Natawa din ako kaya naman mas humigpit ang yakap ko sa kanya.

Hinayaan ako ni Yaya Esme na umakyat sa kwarto ko. She told me na ihahatid na lang niya ang dinner ko kahit ang totoo ay parang I can't eat dahil sa mga nangyayari.

Pagod akong humiga sa bed ko and tumitig sa kisame. Even ang pagpapalit nang damit ay hindi ko magawa. I don't have lakas na to even do that. Tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan habang nakatitig ako sa kisame.

I'm too tired to not take sides kahit anong pilit ko. I want to be in the middle pero hindi pwede. I want to support Julio for seeking justice sa nangyari sa family niya, but at the same time, I want to support my Dad for his safety and freedom.

Then I realize na baka kaya ako takot because I know deep down na malaki ang possibility na may kinalaman talaga si Daddy sa nangyari sa mga Escuel. I'm scared na paniwalain ang sarili ko na he's innocent kahit ang totoo ay nagdududa din ako sa kanya.

Gumulong ako padapa nang tumunog ang phone ko dahil sa isang message. I feel relief at the same time ay mas lalong na-guilty when Dad told me na malayo na sila sa Laguna and sa ibang place sila pumunta.

Napasubsob na lamang ako sa aking bed and napabuntong hininga. I love Julio pero my parents need me. Iispin na nang iba ang gusto nilang isipin. Even magmukha akong bad and kasabwat ay wala na akong pakialam.

Sino naman anak ang matitiis ang parents niya lalo na at narinig ko ang gustong mangyari ni Crystal na shoot to kill. Sinong daughter ang gugustuhin na makasama ang parents niya na wala nang buhay?. Matagal kong pinangarap na mabuo ulit ang family ko.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon