Call
Nakasimangot pa din si Julio kahit I told him na hindi naman siya ang masarap...ang sopas iyon. Hindi naman siya pagkain for me to say na masarap siya.
Tahimik akong kumain. Sobrang careful pa dahil masyado pang hot ang sopas ni Julio. Mukhang kakaluto lang talaga and lumabas lang siya to buy some hot pandesal.
Pinanuod ko siyang maglagay ng liver spread sa pandesal. Looks like favorite pa ata niya iyon. The way kumagat si Julio ay may violence din talaga, akala mo naman may aagaw sa pandesal niya filled with liver spread. Like ew kaya yon!.
"Kumakain ka ba nito?" tanong niya sa akin.
Nagtaas ako ng kilay. "You mean the liver?"
Hindi siya sumagot sa akin at sumimangot lang. "Thank you, but it's a no for me," sagot ko sa kanya kaya naman inirapan niya ako.
Napanguso pa ako ng makita kong nasa tasa ang sopas niya and the way niyang kainin iyon ay para umiinom lang siya ng coffee.
Nakuha ng tahol ni Brunie ang atensyon ko then nanlaki ang mga mata ko ng makita kong kagat-kagat niya ang hair ribbon na isinuot ko sa kanya the night na may sakit si Julio.
Lumapit siya sa akin na para bang he wants to give it back to me. Gusto ko siyang sipain palayo sa akin but it's bad kasi baka makulong pa ako for violence. This dog talaga is sakit sa ulo!.
"Choo...Chupi!" pagtataboy ko sa kanya.
"Bruno," tawag ni Julio sa kanya at lumapit na sa amin.
Kinuha niya ang pulang hair ribbon, masama ang tingin ni Julio doon kaya naman nagkunwari akong abala sa pagkain ng sopas.
"Kanino galing ito, Bruno?" tanong niya sa Dog niya na para bang sasagutin siya nito.
Isang beses akong sumulyap kay Julio at nagulat pa ako ng makita kong nakatingin siya sa akin.
"Why?" tanong ko sa kanya.
Nag-taas siya ng kilay. Inilapag ang hair ribbon sa may kitchen counter.
"Mukhang may naka pasok nanaman ng hindi ko namamalayan," seryosong sabi niya kaya naman napanguso ako.
"Baka kasi you forgot to lock itong back door noong may sakit ka," sabi ko sa kanya na sa huli ay ikinagulat ko din.
Sumimangot si Julio at kumunot ang noo. The way he looks at me ay mukhang konting konti na lang ay papalayasin na talaga niya ako.
"Paano mo nalaman na nagkasakit ako?" tanong niya sa akin.
Nagkibit balikat ako. "Uhm...I heard it lang kina Eroz and Gertie. Ayoko nga sanang pakinggan...pero narinig ko. I have no choice," laban ko sa kanya at muling sumubo ng sopas para ipakita sa kanya na I'm not affected naman talaga.
Tumikhim siya. "Magnanakaw pa ata ang naka pasok,"
Nagtaas ako ng kilay. "Grabe ka naman. Ang judgemental mo naman, Julio."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano naman ngayon sayo? May nawawala sa akin," sabi niya.
"Anong nawawala sayo?" tanong ko sa kanya. Nag worry tuloy ako na baka after kong umalis that night ay may naka-pasok talagang ibang tao.
Inirapan niya ako at nag-iwas ng tingin. "Hindi mo kailangang malaman," masungit na sabi niya sa akin.
Nagkibit balikat ako. "Sino naman kasi ang kukuha ng color black mong boxer, right?" wala sa sariling tanong ko sa kanya kaya naman napatakip na talaga ako sa aking bibig.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.
