Signed
After kong sabihin ang name ng baby namin ay kusang humaba ang nguso ko because of pagkahingal. I'm aminado naman na it's a bit long for a screen name kung sakaling maging actor ang baby namin pero wala akong pakialam. Sila ang mag-adujust if want nila.
Hindi naputol ang tingin ni Julio sa akin na para bang he's judging me nanaman dahil sa sinabi ko. But after a few seconds ay nakita ko kung ano talaga ang feelings niya about it, he got teary eyed dahil sa name ng baby namin. I don't know tuloy kung dahil sa haba o dahil he's happy lang talaga.
"Nagustuhan ko," malambing na sabi niya sa akin.
"Hindi mo 'yon name, Julio. Name 'yon ni Vatty," pa-alala ko sa kanya. Looks like aagawan pa ata niya ng pangalan ang anak namin.
Muling siyang napangisi. "Vatty..." he echoed.
"Vatty para cute," Segunda ko pa na kaagad naman niyang tinanguan.
Itinaas niya ang kamay niya para marahan akong hilahin para malapit muli sa kanya. Hindi na ako nag-inarte pa at hinayaan siyang gawin ang gusto niya.
Halos mapasinghap ako nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa sinapupunan ko. Kahit may suot akong damit, I can clearly feel the warmth of his hands.
Hindi siya nahusto na hawakan lang ang tummy ko. Inusod niya ako para tumapat sa face niya. Nang magtagumpay ay walang sabi sabi siyang humalik sa tummy ko kaya naman halos humigpit ang hawak ko sa blanket niya because of kiliti.
"I love you..." he said with full of lambing. After sa tummy ko ay tiningala niya ako.
"I love you..." pag-uulit niya while looking straight sa eyes ko.
Napanguso ako at tumango. I'm not in the mood to say I love you too dahil hindi ko pa din nakakalimutan yung ginawa niya. How long na kaya since he's awake na? Sa dami ng ginawa at sinabi ko, alin kaya sa mga 'yon ang narinig niya? Or narinig niya lahat 'yon?. Damn.
Umayos siya nang higa. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin at nagtaas pa ng kilay.
"Walang I love you too?" tanong niya.
"Wala," agap ko. I'm very firm sa mga decisions ko sa life.
Ngumisi siya. "Buntis lang ang pwedeng mag crave sa lambing?" pagpaparinig niya.
"It's a no for now, Julio. Expired na yung cravings ko. Ang cravings ko naman ngayon ay awayin ka," sabi ko sa kanya kaya naman mas lalong lumakit ang ngisi niya.
Dahil sa pag ngiti-ngiti niya ay napalitan kaagad ng daing dahil sa pagsakit ng mga bullet wounds niya.
Gusto ko pa sana siyang pagalitan nang mapahinto kami dahil sa kumatok. Pumasok si August at malalaki ang hakbang ang ginawa palapit sa brother niya.
Another episode of When August meets July...equals tag-ulan.
Hindi nga ako nagkamali because I saw kung paano sila naging emotional na dalawa nang magyakapan.
"Tinakot mo ako," August said.
Ngumisi lang si Julio at ginantihan ang yakap ng Kuya niya.
"Mas grabe pa yung naramdaman ko nung lahat kayo nawala sa akin," Julio said kaya naman wala nang masabi si August since wala naman talaga siyang panlaban doon.
I saw kung paano unti-unting bumalik yung feeling na nasa paligid namin si August. Just like before, everytime wala ang parents nila ay he take charge for everything. Siya ang nag-aalaga sa baby brother niayng mas masungit pa sa kanya na itago na lang natin sa pangalang Snoopy.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.