(A/n) Last Sunday update for now. Every Friday na ulit ang updates. Keep safe everyone! Love lots, Maria.
----------------------
Back
Eventhough I feel that something is really off sa mga nangyayari and sa mga news about my Lola and Daddy being involved sa nangyari sa mga Escuel ay nagpatuloy pa din ako sa pagpunta doon.
Busy din si Lola for some reason kaya naman ilang araw na din niya akong hindi napapansin. I'm worried about Daddy o kung nasaan man siya ngayon but I trust Tito Keizer naman at sigurado kong hindi niya papabayaan ito.
"I'm thankful dahil nandito ka para kay Julio. Sa lahat ng sumubok na lumapit sa kanya ikaw lang ang pinansin niya. Kumakain din siya pagkasama ka," sabi ni Tita Cynthia sa akin.
Sister siya ni Tita Alexandra, wala siyang sariling family kaya naman siya ang sumama kay Julio ngayon dito.
"Wala po iyon. I am very willing to help Julio and be with him. Nag promised din po ako kay Tita Alexandra na palagi akong pupunta dito...kahit wala sila," sabi ko sa kanya.
Muli akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko ang mga huling paguusap namin. I didn't know na last na pala iyon, sana hinabaan ko pa ang pakikipag-usap sa kanya. Sana hindi na lang ako umuwi that night.
"Alam mo bang tinanggihan niya ang alok ng mga Escuel na dalhin siya sa ibang bansa?" tanong niya sa akin.
"He's leaving po?" tanong ko.
Iniisip ko pa lang na aalis si Julio ay maiiyak na ulit ako. Ang sad na mawala sina August and Tita pero kung aalis din si Julio at mawawalan ng tao dito sa house nila...mas nakakalungkot iyon.
Marahan siyang umiling. "Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang iwan ang bahay na ito...kung nandito daw siya pakiramdam niya ay kasama niya ang pamilya niya," sabi niya sa akin na kaagad kong tinanguan.
Muli kong inilibot ang tingin ko sa buong bahay. Halos ilang araw pa lang ng mangyari ang tragedy ay ramdam na kaagad ang sadness sa buong bahay. Paano pa kaya kung mawalan ng tao? Baka maging haunted house na ito.
After naming mag-prepare for lunch ay inihatid na ako ni Tita Cynthia paakyat s amay second floor, sa may veranda kung nasaan nanaman si Julio at nakatanaw sa malayo.
"Food is here na!" anunsyo ko sa kanya.
Tipid na ngumiti si Tita ng ilapag ang mga pagkain sa table at hinawakan si Julio sa ulo pero just like almost everytime ay tahimik pa din siya at hindi namamansin. Papansinin lang ata niya ako sa tuwing maingay ako para tumahimik.
"Look at this oh," turo ko sa chicken fillet na ako ang nagprito.
Tiningnan ko si Julio pero nanatili ang tingin niya sa malayo.
"Ako ang nag fry nito," sabi ko pa ulit.
Dahil sa aking sinabi ay napangiti ako ng dahan dahan siyang tumingin duon.
"It's not sunog...konti lang," sabi ko pa sa kanya.
Inirapan niya ang kawawang chicken fillet kaya naman humaba ang nguso ko. Inayos ko ang mga pagkain namin kahit maayos naman ang pagkakalagay non.
Magana akong kumain sa harapan ni Julio kahit ang totoo ay wala naman talaga akong gana. I'm here para iparamdam sa kanya na he's not alobe kahit ang totoo ay gusto kong magkulong sa room ko at umiyak dahil up until now ay hindi ko alam kung nasaan ang Daddy ko.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.