Wife
"Ang baby ko," Umiiyak na sumbong ko kay August when he tried na buhatin ako.
Hindi niya kaagad nagawa because he's scared din na galawin ako.
"Jolina, tara na..." tawag niya kay Jolina.
Bago pa man niya ako maangat nang tuluyan mula sa floor ay bumwelo nanaman si Julio para lapitan ako.
"Ako na, Kuya," matigas na sabi niya dito.
"Tumabi ka," madiin at galit na suway ni August sa kanya.
Hindi ko na sila pinansin na dalawa at kaagad na akong yumakap sa leeg ni August nang buhatin niya ako. Ma-ingat pero mabilis ang bawat galaw niya nang dalhin niya ako sa emergency room.
Rinig ko din ang sigaw ni Jolina to ask for help kahit nasa hallway pa lang kami. Para siyang wang wang sa ambulance para lang iinform ang lahat na may emergnecy situation kami.
"She's pregnant," sabi ni August sa nurse na sumalubong sa amin.
Hindi ko na sila pinansin pa and kaagad na humawak sa tummy ko dahil sa takot na may mangyaring hindi maganda sa baby ko. I almost lose him kanina, dapat ay nag-ingat na ako pero look kung nasang situation kaming dalawa ngayon. Mas dangerous.
Pinalayo silang tatlo nang lumapit ang Doctor sa akin. Hindi ko na maintindihan kung anong pinagsasabi nila. I just want to make sure na walang mangyayaring bad sa baby ko. Kahit ako na lang and wag lang siya.
Hindi ko na alam kung anong nangyari sa paligid ko. The last time na may malay ako ay narinig ko lang ang boses ng Doctor hanggang sa nagdilim na ang paningin ko.
I don't know kung ilang oras or gaano katagal akong nakatulog after the pangyayari. Nakaramdaman ako nang pain sa buong katawan ko lalo na sa bandang tiyan ko kaya naman kahit tamad pa akong gumising because of what I feel ay pinilit ko para lang malaman kung anong lagay ng Baby ko.
"Jols," tawag ko sa kanya. Siya kaagad ang nakita ko pagkadilat ko.
"Ma'am Vera," tawag niya sa akin. She sounds relieved dahil may malay na ako.
"How's my baby?" tanong ko kaagad kahit maging ako ay ramdam ko ang pagod sa voice ko.
"Ayos lang po ang baby niyo, Ma'am Vera. Madikit po ang kapit," she said.
Sinamaan ko siya nang tingin. "What do you think of my baby? Super glue?" tanong ko sa kanya at pagod siyang inirapan pero she smiled back at me lang.
Hindi ako kaagad gumalaw sa takot na baka maapektuhan non ang baby sa tummy ko. Muntik nanaman siyang mawala sa akin. Akala ko talaga kanina mawawala na siya sa akin.
Hindi nagtagal ay nakita ko ang paglapit ni August sa hospital bed na hinihigaan ko.
"Under observation pa kayo. Pagkatapos ay pwede na kayong ilipat ulit sa private room pag sigurado na," August said pero tiningnan ko lang siya. I don't know what to say pa.
Mula sa kanya ay lumipat ang tingin ko sa kabuuan ng emergency room. Bukod sa mga nurse ay wala nang iba pang nasa loob noon and some other patients din.
"Sino ba ang lalaking 'yon? Nasa labas, hindi ko pinapasok dahil baka mas lalong lumala ang lagay mo," August said.
Muling namuo ang tears sa eyes ko nang maalala kong Julio is here. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko. Sa isang iglap ay nalaman niya na ang lahat. Alam na niya na buhay si August, alam na din niya na I'm pregnant. Hindi ko na alam kung paano ko pa malulusutan ang lahat ng ito lalo na't my Daddy is missing.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.