Affair
Nanatili ang tingin ko sa harapan hanggang sa matapos ang tawag na 'yon. Pagkababa ni Snoopy sa tawag ay napansin ko kaagad ang pag lingon niya sa akin.
"Ok lang sa'yo? Isasama kita, ipapakilala ulit kita kay Lolo," he said. Ramdam ko ang kaba sa voice niya. Ganyan nga, Snoopy...Kabahan ka sa akin.
I feel a bit kabado, Honestly. Pero I still manage naman to act and look cool. Humalukipkip pa ako para mas convincing na I'm kalmado lang.
"Wag ako ang I-ask mo. Ask your grumpy grandpa if ok lang sa kanya na makita ako," sabi ko kay Julio.
Sa sobrang gusto kong maging cool and calm sa harapan niya ay I forgot na to filter my words and gawin 'yong nice a little bit.
Dahan dahan ko siyang nilingon para makita ko ang reaction niya dahil sa tinawag ko sa Lolo niya. Nakatingin kaagad si Julio sa akin, bahagyang nagtaas ng kilay at sa huli ay hindi na-iwasang mapangisi na lang.
"Isusumbong kita. Anong tinawag mo sa kanya?" pang-aasar niya sa akin.
"Hindi ko na uulitin," masungit na laban ko sa kanya kaya naman mas lalong lumaki ang ngisi sa labi niya.
"Grumpy huh," pang-aasar ulit niya.
Imbes na matakot ay na-inis pa ako.
"Shut up ka nga diyan, Escuel. Grumpy ka din naman, I should be careful kasi baka mamana ni Vatty ang pagiging masungit mo," paliwanag ko.
Hindi ako nagpatalo kay Julio kahit pa anong pang-aasar ang gawin niya sa akin. Medyo naninibago ako sa kanya since sanay naman akong palagi lang siyang tahimik at masungit.
"Nagsalita ang hindi masungit," sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Me?" tanong ko na may kasama pang pagturo sa sarili ko.
"Masungit ako? Hindi ko ata alam 'yan," laban ko.
Ngumisi si Julio. "Hindi ka aware na masungit ka, ganon ba?" tanong niya sa akin.
Kaagad akong tumango. "Mabait ako," laban ko ulit. Ako lang sa panahon ngayon ang pwedeng magtanggol sa self ko.
Tipid siyang ngumiti, bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Sa huli ay nag-drive siya habang magka-holding hands kami. I believe hindi 'to pwede because it's dangerous, pero gusto ko din naman kaya bahala na.
We spent an hour and so sa byahe paluwas ng Manila just to meet Julio's Lolo. I don't know kung excited ba siyang makita ang Lolo niya or takot siya that's why kahit biglaan ay sinadya talaga naming lumuwas ng Manila.
"The witch is getting married na pala with Hobbes," sabi ko while nakikipagsapalaran kami sa traffic.
"Alice sent me an invite. Siguradong hinahanap ka din niya," Julio said.
Humaba ang nguso ko lalo na when I saw some billboard na may sexy na model. After kong tumingin sa billboard ay nilingon ko si Julio. Gusto kong mahuli kung tumitingin din siya sa billboard na may sexy na babae.
Diretso ang tingin niya sa kalsada kaya naman nang tumagal ang tingin ko ay nilingon niya na ako with his nagtatanong na mukha.
"May gusto ka? Gutom ka?" kaagad na tanong niya kaya naman mas lalong bumigat ang dibdib ko sa naging question niya sa akin.
"Do I look like na ba gutom palagi?" emotional na tanong ko. I can't take it.
Kumunot ang noo niya. "Vera...hindi," marahang suway niya sa akin.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.