Chapter 18

49.6K 1.9K 854
                                        

Sick


Mabibigat ang bawat hakbang ko palabas ng kitchen nina Julio.

"Alice..." tawag ko sa kanya. I want to go home na lang, nawalan na din naman ako ng gana.

Naputol ang sasabihin ko pagkatapos kong makita ang ginagawa nilang dalawa ni Hobbes sa may dinning area. I want to make a dramatic exit pa sana ang kaso ay ayoko namang masira ang moment ng kaibigan ko.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila ng makita kong nakahawak si Alice sa likuran ni Hobbes.

I want to be happy sana because they looks like naglalandian, I'll support pa sana my friend ang kaso ay sobra akong nahurt sa sinabi ni Julio sa akin. Somehow he has a point naman talaga.

Matagal ko ng iniisip yung mga bagay like paano kung sinabi ko sa kanila na I have doubt na sa plan ni Lola? Baka naagapan...sana hindi nangyari iyon sa family niya. He thinks siguro na hindi ko din sinisisi ang sarili ko because of that. Kasi bago pa man niya ako sisihin...nauna ko ng ginawa iyon sa akin.

"Nasamid siya, ang takaw kasi." sagot ni Alice sa akin. Ramdam ko ang pagkailang niya.

Nagtaas ako ng kilay bago bumaba ang tingin ko sa bread na nasa itaas ng lamesa. Umirap ako at sinuklay ang malambot kong buhok gamit ang aking mga daliri.

"Bread is not for appetizer, mabubusog ka kaagad," sita ko kay Hobbes. He's matakaw daw sabi ni Alice kaya naman kahit it's not kasalanan naman ay parang gusto ko na lang siyang idamay sa inis ko kay Julio.

Ramdam kong hindi pa din makatingin si Alice sa amin. Looks like she's a bit shy pa din dahil sa nakita ko kanina. This dalagang witch ay nahihiya pa! Dapat ngayon pa lang ay she knows na kung ano talaga ang feelings niya for Hobbes. At kung ano man iyon, I will always here for her, susuportahan ko siya kung gusto nila magpakasal na sila bukas.

So I think I need to do something para mas lalong marealize ni Alice ang mga wants niya when it comes to her lovelife.

Lumapit ako kay Hobbes para humilig. Kumagat ako sa hawak niyang bread at nakita kong gustong gusto naman iyon ng loko.

"This is carbs, and a bit sweet. Pero dahil ikaw ang gumawa, I like it na rin," baling ko kay Alice to see her reaction and I have a little confirmation na ng makita kong hindi siya makatingin sa aming gawi.

Bumalik ang tingin ko kay Hobbes at nakita kong nagtagal ang tingin niya sa hawak na tinapay.

"Akin na kung ayaw mo ng may kagat ko," mataray na sabi ko sa kanya. Bumabalik nanaman ang pagkainis ko kay Julio. He's damay tuloy!.

"Gusto ko. Mas sumarap nga kasi may kagat mo," nakangising sabi niya sa akin kaya naman halos umikot ang eyeballs ko. Like ew kaya yon!.

Ngumiwi ako bago tumaas ang isang sulok ng labi ko. It's masyadong halata na ata na wala ako sa mood. "It's indirect kiss na, hindi ka pa nanliligaw niyan," paalala ko sa kanya.

Ngumisi siya ulit. "Kailan ba pwede?" tanong niya sa akin.

Humalukipkip ako sa kanyang harapan. "Tsaka na, pag hindi ka na corny," sabi ko na lang.

Really Alice? You have a crush on this corny guy? But hindi ko din naman siya masisisi. Hobbes Jimenez is really a catch, mabait siya and malambing. He is gwapo din talaga and ang ganda ng katawan. Pasok na pasok maging prince charming sa isang disney movie.

Si Julio pasok sa banga to be beast sa beauty and the beast. Or pwede din naman na isa sa mga dalmatian, sila ng anak niyang bulldog. One hundred one dalmatian with a feeling cute na bulldog.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon