Girlfriend
Matamis ang ngiti ko while looking at Julio kahit nakatalikod siya sa akin. Kinuha niya ang mga luggage ko at inilagay iyon sa car compartment. Behave lang ako sa kinatatayuan ko while waiting for him...ofcourse to open the door for me.
"Ayos na?" tanong ng kasama niyang babae.
Humaba ang nguso ko at tiningnan ang babaeng iyon mula ulo hanggang paa. Infairness maganda ang alalay ng driver.
Diretso ang tingin ni Julio sa kanya na para bang siya lang ang nakikita niya. Tipid siyang tumango at pinagbuksan ng pinto ang babaeng kasama na uupo ngayon sa front seat.
Napairap ako sa kawalan dahil mukhang masasaksihan ko pa ang bagong pag-ibig ni Julio. I'm so sick na sa dami ng babae niya bata pa lang kami.
"Ano pang hinihintay mo?" masungit na tanong niya sa akin.
Pinalakihan ko siya ng mata at kaagad na inginuso ang pinto ng backseat, like what the heck!?
Tumikhim siya at tamad na binuksan ang pintuan ng back seat. Diretso ang tingin niya sa akin kaya naman I stare at him din habang papalapit.
"Anyway...save the best for last," mapanuyang sabi ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at pinagdabugan pa ng pintuan ng isara niya iyon.
"What the fuckin fuck! Paano kung naipit ang fingers ko!?" reklamo ko sa loob ng sasakyan kahit hindi naman niya iyon narinig dahil nasa labas pa siya.
I groaned in frustration lalo na ng lingonin ako ng kasama niya.
"What?" masungit na tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at nag-was na lang ng tingin sa akin. Itinikom ko ang bibig ko ng tuluyan ng pumasok si Julio sa car and he started to drive na.
"Hmp!" paulit ulit na sambit ko para iaparamdam sa kanilang dalawa na naiinis ako.
Masama ang tingin ko sa labas ng bintana habang nakahalukipkip.
"You know how many times ko na kayong minura sa mind ko for being late?" masungit na tanong ko sa kanilang dalawa.
Hindi ako pinandin ni Julio pero ang babaeng kasama niya ay nilingon ako.
"Ilan?" tanong niya sa akin na ikinalaglag ng panga ko.
Pinandilatan ko siya ng mata at inirapan pa. This one is pilosopo pa ata.
Traffic palabas ng airport because of inspection line and what so ever. Kaagad kong kinuha ang spare footware sa LV onthego bag ko. I changed my black LV heels to a black Dior dway slides.
"Super sakit ng paa ko dahil sa matagal na pagtayo at paghihintay," pagpaparinig ko sa kanilang dalawa while nagpapalit.
Kagaya ng kanina ay hindi pa din ako tinapunan ng tingin ni Julio. Kahit ano atang pagsusungit ko ay hindi niya papansinin. Napanguso na lang ako and bumaba ang tingin ko sa namumula kong paa.
"Oh my little pinky toe is hurt...poor you," sambit ko ng makita kong namumula iyon at parang namamaga because sa strap ng heels ko.
"Bakit kasi hindi ka umupo?" tanong ng babaeng kasama niya sa akin na para bang it's my kasalanan pa.
"Bakit kasi hindi kayo punctual?" tanong ko sa kanila.
Humaba ang nguso niya habang nakatingin sa akin.
"Pasencya na. Ngayon lang kasi ako nakapamasyal sa Manila, hindi namin namalayan ni Julio ang oras," sabi niya sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin at umayos ulit ng upo. Mula sa bintana ay dahan dahang lumipat ang tingin ko sa tahimik na si Julio. I first notice how he handle the manibela, his hands is a bit big na and ma-ugat. Dahan dahang tumaas ang tingin ko sa braso niya and I might say na he really have a good one. Not too macho, tama lang sa tangkad niya and built ng body niya. A bit exactly my type.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.
