Chapter 11

43.7K 1.6K 485
                                        

Promise



Kung kanina ay ako ang umaalo kay Julio, ngayon naman ay siya na ang nagpapatahan sa akin.

"Tita said na hihintayin niya ako because marami pa siyang ituturo sa akin. And also August...nag promise siya na magkikita kami today," umiiyak na kwento ko sa kanya.

Humigpit ang yakap ni Julio sa kanya. Umiiyak din siya, I never imagine na makikita ko siyang ganito. He is super masungit at halatang strong ang personality niya. Pero kahit gaano talaga katapang at kalakas ang isang tao, pag nasaktan ka...nasaktan ka.

"This is not true..." paulit ulit na sabi ko sa aking sarili. Even si Julio gusto kong I-convince na hindi ito totoo. Sobrang heartbreaking nito sa part ko, paano pa kaya sa kanya?

"Wala na...wala na sila," sambit niya na para bang simula ng mangyari ang lahat ng ito ay ngayon lang nagsink in sa kanya ang lahat.

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Mas lalong lumakas ang aking iyak.

"I'm sorry..." sambit ko.

Mariin akong napapikit. I just want to say sorry for no reason. Hindi ko din alam kung bakit kailangan kong sabihin iyon pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. I need to say sorry.

"Sandali!" sigaw ni Julio.

Kaagad siyang humiwalay sa akin kaya naman napatayo na din ako. Dumating na ang mga magbubuhat ng black bag at isasara na sana nila iyon ng kaagad silang pinigilan nito.

"Julio," umiiyak na tawag ng isang babaeng mukhang kamag-anak nila.

"Mommy..." Matapang na tawag niya dito. Matapos ang ilang sandali ay muli siyang umiyak at yumakap dito.

"Hindi ko po kayang mag-isa dito..." sumbong niya sa wala ng buhay na si Tita Alexandra.

My heart break even more ng makita ko kung paano dahan dahang lumambot si Julio. Para bang he is now ready to be soft at lambingin ang Mommy niya. Bagay na ayaw niyang ipakita dito ng nabubuhay pa ito.

"Hindi ko po kayang mag-isa, Mommy."

Napatakip ako sa aking bibig para itago ang paghikbi. Lumipat ang tingin ko sa braso niyang panay pa din ang pagtulo ng dugo, hindi niya iyon ininda.

"Mommy, please...wag niyo akong iwan mag-isa," pakiusap ni Julio kaya naman mas lalong bumuhos ang luha maging ang mga tao sa paligid.

Mahigpit niyang niyakap si Tita Alexandra, hinalikan niya ito sa ulo at kinausap pa na para bang nagmamakaawa siyang gumising ito. Halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko habang pinapanuod ang tagpong ito.

Matapos kay Tita ay si Tito David naman ang nilapitan niya. Nakita ko ang mas lalong pagkuyom ng kamao ni Julio. Ramdam ko ang galit niya, kung nandito lang siguro ang taong gumawa nito ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili niya.

"Daddy..." pumiyok na tawag niya dito.

Mas lalo akong nasaktan ng lumipat siya sa Kuya August niya. Mas lalong nanghina si Julio at bumuhos ang kanyang luha. I know na close nila ni August and madami pa silang plan na magkasama. They want to study pa nga sana sa manila, but this tragedy happend.

"Akala ko ba walang iwanan, Kuya?" tanong niya dito.

Habang kinakausap ni Julio ang Kuya August niya ay lumapit ako kay Tita Alexandra. Humalik ako sa pisngi niya kagaya ng palagi kong ginagawa everytime sasalubungin niya ako sa frontdoor nila.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon