Chapter 23

55.8K 2.2K 1K
                                        

Lipstick



Nagtagal ang tingin ko sa flowers na ibinigay ni Siegfried sa akin. I received naman some flowers before sa mga potential suitors but I always shut them down pag I feel na they are really serious about pursuing me. It's just that I don't want to be paasa sa kanila lalo na at alam ko naman I'm not yet ready pa sa relationship.

He looks mabait naman. Good looking din and mukhang responsableng nilalang here sa earth. Pasok na siya sa ideal kong lalaki kahit ang totoo...I don't have any. I don't have the list of the ideal man na gusto ko. I believe naman na if you will fall in love...walang reason, you just feel it.

Siegfried San Miguel?. Vera San Miguel...Pwede na kahit tunog lasing. Alice said nga na I'm lassingera daw kahit hindi naman masyado, then if ever kami ni Siegfried ay mas magmumukha na talaga akong taong alak.

Inabala ko ang sarili ko sa work na ibinigay ni Tito Keizer sa akin. He's busy din sa manila kaya naman he really need my help. I think isa din ito sa way niya para hindi na ako bumalik pa ng America.

"Mag honeymoon kayo hanggang sa mapagod kayo," asik ko kay Gertie when she keeps saying na hindi siya ready na iwanan si Gianneri.

Humigpit ang yakap niya dito. Ayaw niyang iwanan si Gianneri at gusto pa atang isama sa honeymoon nila ni Eroz.

"Gertrude, ang honeymoon ay para sa mag-asawa lang, hindi pwedeng kasama si Gianneri at hindi kayo makakapag-concentrate," pangaral naman ni Yaya Esme sa kanya kaya naman napa-sapo ako sa aking noo.

Oh please! Don't start.

"I can still concentrate pa din naman even Gianneri is with us," laban ng pinsan kong hindi din naman talaga magpapatalo sa sagutan.

"Gertie, let's not make this hard for everyone. Gianneri is going to be fine here with us...you don't need to worry about her, akong bahala," paninigurado ko sa kanya.

Tumaas ang kilay ko ng makita kong nagpabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Yaya Esme na para bang she is not convince sa lahat ng sinabi ko sa kanya.

Natahimik kami ng pumasok si Eroz sa kitchen. He looks happy nga dahil sa nalalapit nilang honeymoon kaya naman mas lalong uminit ang dugo ko sa kanya.

I feel tuloy na kailangan kong iligtas ang cousin ko sa kanya kahit there is nothing wrong naman about it dahil mag-asawa sila.

"Senyorito Eroz, ayan ayaw nanamang iwanan si Gianneri," sumbong ni Yaya Esme dito at itinuro ang naka-ngusong si Gertie habang yakap si Gianneri na para bang may kukuha dito.

Pumayag na siya noong isang araw noong nandito si Alice. Ngayon ay nagbago nanaman ang mood niya. Everyday nag-iiba ang decision niya kaya naman imbes na sa kanya mainis ay kay Eroz ko na lang iyon isinisisi. Syempre I love my cousin, hindi ko naman cousin si Eroz para ma-guilty ako if ever awayin ko siya.

Nilapitan niya si Gertie and Gianneri at parehong hinalikan.

"You need more time?" tanong niya kay Gertie na para bang he is willing pa din to wait hanggang sa maging handa ang cousin ko na iwanan ang baby nila.

Napai-irap ako sa kawalan. Kunwari pa tong si Eroz, for sure naman na he's excited na din for the honeymoon.

"Kahit next year na kayo mag conduct ng baby-making...you can't still change the fact na you need to leave Gianneri for a while, Gertie."

Mas lalong humaba ang nguso niya. Tumingin si Eroz and Yaya Esme sa akin kaya naman pinagtaasan ko sila ng kilay.

Someone need to push my cousin to face her fears na iwanan ang baby niya. That someone is me. Kaya even masaktan siya and ang sasabihin ko ay not in favor with what she wants ay kailangan kong sabihin iyon.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon