Chapter 8

45.4K 1.7K 442
                                        

Paint



Nanatili ang tingin ko kay Julio after he said that. Eventhough ramdam ko ang sincerity ng pagkakasabi niyang he's here naman with me ay hindi pa din mababago ang reality na my Daddy left me again for work sa Manila.

"I want to be with my Daddy," umiiyak na sumbong ko sa kanya. Kahit I know naman na wala na din siyang magagawa dahil nakaalis na si Dad ay gumagaan pa din kahit papaano ang pakiramdam ko dahil may napagsasabihan ako. And iba ang feeling ko while saying it to Julio.

I even feel his sympathy habang nakatingin siya sa akin. Kahit super sungit niya sa akin ay may itinatago pa din siyang kabaitan. Super nakatago nga lang talaga siguro, siguro ay nasa baul pa iyon ay naka-double lock pa.

Umigting ang kanyang panga, define na iyon even with his young age.

"Umuwi na tayo," he said.

Nag-alangan pa siya at first kung paano niya ako bubuhatin. Looks like he's worried na if hawakan niya ako ay masasaktan ako.

"I can't walk with this kalagayan," sumbong ko sa kanya.

Mas lalo akong naiyak ng makita ko ang blood sa magkabilang tuhod ko. Even sa magkabilang palad ay may gasgas din, habang mas lalo ko iyong pinagmamasdan ay mas lalo kong nararamdaman ang hapdi na dulot non.

"Tsk. Look at you."

Hindi na ako nakaimik pa habang patuloy pa din ang pagtulo ng aking mga luha. I don't care na kung mukha na akong crybaby sa harapan niya ngayon. I have reason naman to cry and to be sad.

Hindi ako nakaimik ng maramdaman ko ang kamay ni Julio sa ilalim ng hita ko, naka-dress lang ako that's why ramdam na ramdam ng skin ko ang init ng balat din niya. Binuhat niya ako kung paano binubuhat ng groom ang bride niya palabas ng church.

"Kumapit kang mabuti," matigas na sabi niya sa akin kaya naman iyon ang ginawa ko.

Halos yakapin ko ang leeg ni Julio sa takot na mabitawan niya ako. But I feel secure naman sa buhat niya sa akin. Mukhang strong naman siya to carry me na.

Dahan dahan ang lakad niya pabalik sa mansion. Muli akong naiyak ng maalala kong umalis si Daddy na hindi man lang nagpapalam sa akin. He should talk to me instead, kahit umiyak ako sa harapan niya, kahit pilitin ko siyang isama ako...dapat kinausap pa din niya ako.

Wala sa sarili kong isinandal ang ulo ko sa dibdib ni Julio at duon pinagpatuloy ang pag-iyak. Naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin but hindi naman siya nagsalita pa at hinayaan na lang ako.

Ilang beses ko pang tinawag si Daddy in the middle of my every hikbi. I wish he can here me at bumalik kaagad, pero that's too impossible. Wala naman kami sa fairytale na kahit impossible ay nagkakaroon ng magic at nagiging possible ang lahat.

"Vera..." tawag ni Julio sa akin everytime lumalakas ang hikbi ko.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. Ni hindi din niya sinabi sa akin na tumahan ako, hinayaan niya lang akong umiyak.

Dahan dahan ang lakad ni Julio kaya naman mas lalo kong nararamdaman na siya lang talaga ang kasama ko ngayon. Ilang beses din niya akong nilingon kaya naman napapapikit na lang ako ng mariin, dahil for sure medyo hindi maganda ang itsura ko dahil sa pag-iyak.

"What happened?" tanong ni August ng tuluyan kaming makalapit sa kanilang mansion.

Nang lingonin ay nakita ko pa kung paano tumakbo si August palapit sa amin. Kaagad niya akong sinubukang kuhanin kay Julio pero hindi kaagad ako ibinigay nito.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon