Chapter 9

44.9K 1.6K 502
                                        

Bracelet



Panay ang ngiti ko while tinutulungan ako ni Julio kumain. I can eat naman even sa kalagayan ng mga kamay ko ngayon. But he's willing naman to help, sino ba naman ako para tanggihan ito. And it's like a miracle na pumayag si Julio na subuan ako, knowing him...yung galit ata niya sa mundo ay damay pa ako.

Panay din ang tikhim niya sa tuwing tinatanggap ko ang subo niya. I smile sweetly lang para ipakita sa kanyang I'm enjoying the moment habang iritado siya.

"Paint mo na kasi ako. Maganda ang painting pag nanduon ako," pamimilit ko sa kanya.

Tumalim nanaman ang tingin niya sa pagkain, imbes na sumagot ay muli niya akong sinubuan at sunod sunod naman.

"Are you gonna kill me ba?" masungit na tanong ko sa kanya ng kaagad akong umiwas.

"Ang ingay ingay mo," sita niya sa akin.

"Syempre I have bunganga and maraming akong ideas to share. I'm not naman madamot to just keep it in mind. Kaya nga I told you na isama ako sa painting to make it more beautiful," dirediretsong sabi ko sa kanya.

Hindi pa din siya nagsalita kaya naman sumuko na ako. No taste talaga itong si Julio, though maganda naman talaga ang painting niya, pero dahil wala ako duon...panget na.

"And kung you want me dead, bigyan mo naman ako ng magandang cause of death. What do you want to happen sa akin? Cause of death because of choke?" tanong ko sa kanya.

Umigting ang panga niya at muling sumama ang tingin sa akin. "Wag ka ngang magsalita ng ganyan at manahimik ka," suway niya kaya naman sumimangot ako sa kanya at humalukipkip pa.

"You are so masungit talaga, mas mukha ka tuloy old kesa sa kuya mo. Lolo Julio," sabi ko kaya naman halos mamula na siya sa galit at inis.

After kong kumain ay ipinagpatuloy na ni Julio ang pagpa-paint niya. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagkain ng dessert. Inaway pa nga niya ako na baka daw even ang paginom ng juice ay iasa ko pa sa kanya.

"I'm so busog na," sabi ko sa gitna ng katahimikan naming dalawa. Napahawak pa ako sa tummy ko dahil sumakit na iyon.

"Ang takaw mo," sabi niya sa akin habang naka-focus pa din sa ginagawa niya.

"Ilang meals ang ini-skip ko para lang ipakita sa kanilang I'm in my rebel mode," kwento ko kay Julio.

You know sometimes mas magandang magshare ng thoughts and even problem sa ibang tao. Hindi naman kami close ni Julio kaya I think it's ok lang na magsalita ako ngayon sa harapan niya. And hindi din naman niya ako pinapansin so it's better.

"Akala ko nakakamatay ang gutom, sumakit lang ang tiyan ko," kwento ko pa.

Tumikhim siya at umayos ng tayo. "Hindi mo ba alam kung ilang tao ang gusto pang mabuhay pero wala ng magawa dahil oras na nila. Tapos ikaw tong..."

"Alam mo ba kung ilang tao ang gusto na lang mamatay because they have no reason na to live?" tanong ko pabalik sa kanya.

Nilingon niya ako, hindi pa nakuntento at lumapit pa sa akin para lang harapin ako ng maayos.

"Really, Vera?" hindi makapaniwalang sambit niya. "Anong reason mo? Dahil iniwan ka ng Daddy mo para magtrabaho?" tanong niya sa akin.

I remain calm kahit gusto ko siyang sigawan dahil he doesn't know anything naman about me and my reasons. Though he's right about it naman. Still hindi pa din niya ako kilala to give an opinion about my beliefs.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon