Chapter 10

50.9K 1.8K 753
                                        

Escuel



I tried to reach for Daddy after that call pero hindi na niya sinasagot pa ang tawag ko. Naka-received lang ako ng message from him telling me to sleep na and how much he miss and love me.

Hindi ako nakatulog ng maayos ng gabing iyon because of all the things na iniisip ko. I think nag-o-overthink na ako lately because of Lola's words sa kausap niya sa phone. And now naman ay ang pagiging matamlay ni Daddy and he even say sorry for no reasons.

"Good morning, Senyorita Vera!" Bati ni Yaya Esme the next morning nag puntahan niya ako sa room ko para gisingin pero nagulat siya because gising na ako.

"Hindi ka natulog?" tanong niya sa akin.

"Nag-sleep po ako ng konti," sagot ko sa kanya.

Isa pa sa mga iniisip ko ay ang kalagayan ni Tita Giselle. Lately mas lalo siyang nagkakasakit, even nga tingnan mo siya you'll notice kaagad na may iniinda siyang sakit. Though super pretty pa din niya kahit may sakit siya.

Nasa food ko ang focus ko habang kumakain kami ng breaskfast. Even nga si Lola ay tahimi, ni hindi nga niya ako pinansin. Looks like may malalim siyang iniisip. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para kumain ng maayos. Ako at si Gertie lang ata ang magandang kumain this time, lahat sila ay tahimik.

Lumipat ang tingin ko kay Rafael na tahimik lang din and eating like he is some cool kid.

"I think Vera should stay here for the whole day. Araw araw na lang siyang nasa Escuel..." Tita Giselle said.

Tumikhim si Lola. Nang marinig ang pangalan ko ay para bang muling sumanib sa kanya ang lahat ng galit niya sa katawan and naging masungit ulit.

"Let her do her work. Iyan na nga lang ang pakinabang ng batang iyan," Lola said kaya naman bigla na lang akong nahirapang lunukin ang food sa bibig ko.

Sayang kasi super delicious pa naman sana ng pancake. With just those words ay nabago kaagad ni Lola ang mood ko and yung feeling ko, bigla tuloy akong nawalan ng gana.

"Do her work? Work? Naririnig niyo po ba ang sarili niyo, Mama?" giit ni Tita Giselle.

Kaagad akong napaayos ng upo. It's scary for me sa tuwing nakikitang kong they're about to fight because of me. I don't want to be the cause of trouble all the time. Kaya nga kahit minsan I want to stay here with them ay mas gusto ko na lang pumunta sa mga Escuel para wala ng gulo.

"Let's not talk about it sa harapan ng pagkain, Giselle." suway ni Lola sa kanya.

"Hindi na po tama ang ginagawa niyo kay Vera," Tita said with finality.

Tumikhim si Lola. "Don't start with me, wag mo hayaang maging tayo ay magkasira dahil sa batang iyan na hindi naman talaga natin kilala...kung tutuusin nga ay dapat pa siyang magpasalamat sa atin."

Even tuloy ang pag nguya sa pancake na nasa bibig ko ay hindi ko na magawa. It's always na lang ganito. Like kulang na lang gawin kong meal for the whole day ang masasakit na salita ni Lola sa akin.

I stayed sa garden with Gertie and Rafael habang hinihintay na maihanda ang sasakyan na maghahatid sa akin sa mga Escuel.

"Aalis kayo?" tanong ko kina Rafael.

Marahan siyang tumango. "Pupunta kami sa Donya Remedios at mamamasyal," sagot niya sa akin kaya naman bumagsak ang balikat ko.

Gusto ko din sanang sabihing I want to go there with them pero wala akong magagawa dahil I need to be with the Escuel dahil utos ni Lola.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon