Chapter 26

44.5K 1.9K 742
                                    

Madiin





Ilang minuto akong nawala sa aking sarili until I manage to look at the message again. The initials is quite familiar. Tsaka ko lang na-realize that it somehow says the name of my father.

Nag-ingay si Gianneri kaya naman nalipat ang tingin ko sa kanya at dahan dahan akong bumalik sa aking wisyo. Even may kaba ako sa dibdib ay nagsmile pa din ako sa kanya para naman hindi niya ma-feel na I have a problema.

"Tita is ok lang, Dear," malambing na sabi ko sa kanya.

I can still manage to pinch her cute chubby cheeks pa nga kahit ang totoo ay parang lumilipad na sa kung saan ang mind ko while thinking if this is possible. For the past years na wala akong narinig from him ay pinaniwala ko ang sarili ko na nasa malayo lang siya at safe kahit ang totoo ay unti unti ko ng tinatanggap na baka he's gone na talaga forever.

"Tatapusin ko lang ito...dito na kayo kumain," sabi ni Julio ng lumapit niya sa amin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya bago bumaba ang tingin ko sa hawak niyang basahan. Pilit niyang tinatanggal ang grasa from his hands kahit nag-iiwan pa din naman iyon ng stain.

Mula sa akin ay bumaba ang tingin niya sa hawak kong phone. I'm not doing anything wrong naman pero nakaramdam ako ng kaba dahil doon. Marahan kong itinago iyon from his site of view.

Umigting ang pang ni Julio bago siya nag-iwas ng tingin at pinagpatuloy ang pagpupunas sa dirty hands niya.

"Uhm...Yaya Esme texted me na Gianneri needs to come home na dahil tatawag sina Gertie," pagsisinungaling ko.

I saw kung paano nagtaas baba ang adams apple niya bago siya marahang tumango.

"Sandali, mag-aayos lang ako," paalam niya sa amin bago niya kami iniwan ni Gianneri sa labas para pumasok sa loob ng house niya.

Tumayo ako para sana kunin si Gianneri. Naghahanda pa lang ako na kuhanin siya ay hindi na nawala ang tingin niya sa akin na para bang she's scared na aalis nanaman ako na hindi siya kasama.

"Tita won't go na without Gianini," malambing na sabi ko sa kanya kaya nag-umpisa naman siyang magsalita ng kung ano.

Naglahad kaagad siya ng kamay kaya naman ng buhatin ko siya ay mahigpit siyang yumakap sa akin. Humikab pa siya kaya naman inisandal ko ang ulo niya sa balikat ko.

"Bye, Brunie panget..." sabi ko sa kanya when I saw na nakatingala siya sa amin ni Gianneri. Gusto din ata niyang magpabuhat. Why? Baby pa ba siya?.

I start swaying ng maramdaman kon bumibigat na ang ulo niya sa shoulders ko. Mukhang she's sleepy na talaga at pagod na din at the same time.

"Yung mga gamit ni Gianneri," sabi ni Julio ng muli siyang lumabas dala ang baby bag.

"Iiwan ko talaga iyan dito," sabi ko sa kanya kaya naman kumunot ang noo niya.

"Bakit?" tanong niya sa akin kaya naman humaba ang nguso ko.

"Syempre babalik pa kami bukas...my shoulder is aching na kasi everytime na dala ko si Gianneri then dala ko pa yan. And I feel so not me with the bag. Nagtatampo na ang mga bags ko," paliwanag ko sa kanya.

Sandali niya akong tiningnan. I'm getting ready na sa kung anong sasabihin niya sa akin at I think hindi siya papayag. But tumaas ang kilay ko ng ilapag niya ang baby bag sa may baby chair na para bang he's ok with my plan and he like the idea na babalik kami dito everyday.

"You're madali naman palang kausap. Anong nakain mo?" pang-aasar ko sa kanya.

Minsan ay napaka-hard headed naman kasi talaga ni Julio. Like sometime ang simple lang ng pinaguusapan namin tapos magmamatigas siya that's why mag-aaway nanaman kami. Hindi ko sinasabing ang isang basong water to ah!.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon