Sunset
"Inosente ang Daddy ko. Isasampal ko 'yan sa pagmumukha mo," Madding sabi niya sa akin. Kita ko pa din kung paano patuloy na tumutulo ang luha mula sa mga mata niya.
Na-ikuyom ko ang aking kamao dahil sa panghihina. Gustong gusto kong lapitan siya at aluin. Hindi ko kayang makita na umiiyak siya sa harapan ko...nang dahil na din sa akin.
"Umalis ka na," pagtataboy ko pa din sa kanya sa kabila ng kagustuhan kong hilahin siya palapit sa akin at yakapin. Mas lalo lang kaming magkakasakitan ni Vera kung hindi ko gagawin 'to.
Baby, mas lalo lang kitang masasaktan kahit ayokong gawin 'yon sa'yo. Ayokong gawin 'to sa atin.
"You don't have to choo me away...marunong akong umalis sa panget mong house. You really think ba na gusto ko dito?. Ang dumi-dumi, nakakatakot...kahit sinong babae hindi magtatagal sa house mo. Mabulok ka mag-isa dito!"
Nanatili ang tingin ko sa kanya habang sinasabi niya ang mga 'yon. Kilala kita, Vera. Alam kong sa arte mong 'yan ay hindi mo kailanman ginawang tumingin sa ibang tao na para bang mas mababa sila sa'yo. Alam kong nagsisinungaling ka...gustong gusto mo nga dito sa bahay namin.
Gusto ka din namin dito, Vera. Tsaka lang ulit nagkaroon ng buhay ang bahay nung sinimulan mong mag-trespassed hanggang sa hinayaan na lang kita dahil halos ang pagpunta mo na nga lang ang hinihintay ko.
"Sa tingin mo...sino ang sumasabotahe sa atin?" tanong ko sa isa sa mga tauhan kong pinagkakatiwalaan ko.
Sandaling tumagal ang tingin niya sa akin bago siya sadyang napa-ubo. Halos mahampas ko ang lamesa nang sabihin niya sa akin ang nangyayari sa grupo nila habang nakatalikod ako.
"Hindi gagawin ni Crystal 'yon sa akin. May usapan kami," giit ko sa kanya. Gusto ko ding paniwalain ang sarili ko kahit alam kong may posibilidad na traydurin ako ng kaibigan ko.
"Masyado na pong desperada si Ma'am Crystal na makakuha ng hustisya..."
"Anong bang ginagawa ko?" tanong ko. Humahanap din naman ako ng hustisya para sa pamilya ko. Hindi naman ako tumigil.
Napabuntong hininga ang tauhan ko.
"Masyado po kayong mabagal. Kung gugustuhin niyo po ay matagal na sanang tapos ito...kaya lang ay dahil ka Ma'am Vera," sabi niya sa akin kaya naman hindi na ako naka-imik pa.
Sa lahat ng desisyong ginawa ko sa mga nagdaang taon ay hindi siya nawala sa mga 'yon. Na sa bawat hakbang na gagawin namin ay iniisip ko kung ma-aapektuhan ba siya? Masasaktan ba siya? Ayokong masaktan siya.
Mas lalo akong na-morblema nang ma-aksidente sina Tita Cynthia at Crystal. Halos umikot ang pwet ko dahil sa kaba na baka maging si Tita Cynthia ay mawala na din sa akin.
"Tangina! Mga traydor!" galit na sabi ko ng malaman kong isa lang 'to sa mga pakana at plano ni Crystal.
Imbes na kalabanin siya ay tahimik kaming kumilos para mahuli mismo sila at ang ilan sa mga tauhan kong tumalikod sa akin para sa mas malaking halaga.
Hindi pa ba sapat ang mga ibinabayad ko sa kanila? Ilang gold bars ang gusto nila kung ganoon?.
"Hindi pwedeng malaman ni Crystal na alam na natin ang plano niya. Si Vera bantayan niyo..." sabi ko dito.
Tipid siyang tumango sa akin. Sinabi din niyang may mga nakamasid na tauhan si Crystal sa amin kaya naman kailangan kong panindigan ang lahat ng 'to. Para sa kaligtasan na din ni Vera.
"Maayos na siya. Pwede ka nang umalis," sabi ko kay Vera nang makita kong pumunta pa talaga siya dito sa hospital kung kailan mas delikado siya.
Baby, ang kulit-kulit mo. Napaka-tigas ng ulo.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.
