Boses
Namanhid ang aking buong katawan because of what he said. I know naman na iyon ang ginagawa ni Julio. But the confirmation from him mismo ay mas masakit pa pala sa mga conclusions na ginagawa ko.
I thought na feelingera lang ako noon because of what I feel. Umasa ako na bukod sa pwedeng iyon ang intention niya sa akin ay may totoong feelings naman talaga siya sa akin. Pero the fact na he told me na he used me lang talaga...it's masakit ng sobra.
Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Sa kabila nuon ay nagawa ko pang ngumisi sa kanya. I will never make him feel na natalo nila ako. I will never accept defeat dahil hindi ko deserve iyon...hindi na ulit.
"You want us to get even? Well, gustong mong malaman ang totoo?" tanong ko sa kanya kagaya kung paano niya ako tinanong kanina.
"Ginamit lang din kita, Julio..." nakangising sabi ko sa kanya kahit I feel so panget na dahil parang gripong tumulo ang luha sa aking mga mata.
"I used you lang din para maitakas ang Daddy ko. Hinding hindi niyo siya mahuhuli, itatago ko siya sa inyo..." madiing sabi ko sa kanya.
I know na it's bad, it's not the right thing to do. Pero sa mga nangyayari ngayon...sa mga problems na kinakaharap ko, I don't know what to do na din.
I saw how anger etched sa face niya. Kung galit siya kanina ay mas galit siya ngayon.
"Kung ganoon ay wala kang pinagkaiba sa kanya..." madiin at seryosong sabi niya sa akin.
Hindi ako naka-imik. Hindi ko din alam kung anong stand ko doon. Hindi na din ako makapag-isip ng maayos. Ang gusto ko na lang mangyari ay lumayo sa kanya, umalis sa bahay niya, lumayo sa lahat.
"Mamamatay tao..." madiing sabi niya while looking straight sa eyes ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko na makita sa kanya ang Julio na kilala ko. I sudden felt like ibang tao siya.
"I'll prove you wrong, Escuel. And if that day came...sasampalin kita," sabi ko pa sa kanya.
Tumahol ulit si Brunie, he feel na sigurong aalis na talaga ako at hindi na ako babalik dito. Nilingon ko siya at mas lalo akong naiyak. Eventhough he's panget ay cute pa din siya.
"Inosente ang Daddy ko...isasampal ko 'yan sa pagmumukha mo," madiing sabi ko bago nanaman bumuhos ang tears ko.
Kumuyom ang kamao niya. "Umalis ka na," pagtataboy niya sa akin kaya naman it hurts me even more.
"You don't have too choo me away...marunong akong umalis sa panget mong house. You really think ba gusto ko dito? Ang dumi dumi, nakakatakot...kahit sinong babae hindi magtatagal sa house mo, mabulok ka dito mag-isa mo!" panlalait ko pa. Iyon na lang ang alam kong paraan para naman hindi ako umalis na walang wala.
Sumubok na humabol si Brunie sa akin pero kaagad siyang tinawag ni Julio para patigilin. Umiiyak akong tumakbo palabas ng bahay niya.
Everything that I said is a pure kasinungalingan. Hindi panget ang house ni Julio, I love being there pa nga kami I feel like it's my home talaga kahit tresspasing lang ako doon.
Julio's haunted mansion feels like home para sa akin. Doon lang ako nakakatulog ng maayos sa gabi, kahit mag-isa lang at it kinda looks nakakatakot ay I feel secure naman.
It's super sad lang isipin na hindi na ulit ako makakapasok at makakabalik doon. I will surely miss Brunie and Versace din.
Galit na Tito Keizer ang sumalubong sa akin pagbalik ko sa Villa de Montero. Sa kanyang likuran ay ang nag-aalalang si Yaya Esme. Dapat ay naghahanda na siya ngayon para umalis for their honeymoon ni Mang Henry pero she's here because she's worried daw sa akin.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.
