Chapter 5

41.1K 1.5K 508
                                    

Attention



Hindi na naka-imik pa si Daddy matapos iyong sabihin ni Lola. Kaagad niya akong inaya pabalik sa room ko ng hindi man lang nagsasalita tungkol doon. Marahan niya akong hinila paupo sa dulo ng aking kama. Kaagad akong yumakap sa kanya.

"Daddy, why do I need to marry August? Bata pa po ako," laban ko sa kanya.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa aking ulo.

"Gagawa si Daddy ng ibang paraan para hindi iyon mangyari. I want you to marry a man na ikaw mismo ang pumili. Hindi kita ilalagay sa ganoong sitwasyon," paninigurado niya sa akin.

"August naman is gwapo and mabait sa akin. Pero I don't have time pa for that at mag-aaral pa nga ako sa Manila sa pasukan," sabi ko pa at tiningala pa si Daddy para makasigurado akong makakakuha ako ng sagot mula sa kanya.

Tipid siyang tumingin at ngumiti sa akin. "Babalik tayo ng Manila soon. Magkakasama ulit tayo, Anak."

Hindi ako iniwan ni Daddy hanggang sa hindi ako dinalaw ng antok. Sometimes ayokong matulog sa takot na bigla na lang siyang umalis pag tulog ako o pag hindi ko nakikita.

Tahimik ang lahat sa breakfast. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin ni Lola sa akin. Ang importante ay kasama ko si Daddy, sabay kaming kumakain ng breakfast.

"Rafael, hindi ba't kaibigan mo ang mga Escuel?" Tanong ni Lola sa kanya.

Bago sumagot kay Lola ay nilingon niya muna ako. Tinaasan ko siya ng kilay, What is he look at? Nasa akin ba ang sagot?

"Yes po, Lola"

Ngumiti si Lola na para bang naka-isip siya ng bright idea bago siya sumimsim sa kanyang coffee. Nag-iwas kaagad ako ng tingin ng maramdaman kong titingin siya sa akin.

"Invite them na mag horse back riding. Ipapahanda ko ang mga kabayo at magpapahanda din ako ng maraming pagkain para sa mga kaibigan mo. Tell them they can also invite their friends."

Marahang tumango si Rafael bilang sagot dito. Nagtagal ang tingin ko sa aking pagkain. It's a bit uneasy to feel na ipipilit ako ni Lola sa family ni August. She always makes me feel na hindi nga ako belong here sa family niya.

After ng breakfast ay muli akong bumalik sa room ko. Medyo may takot akong nararamdaman na kung makikita ako ni Lola ay kakausapin niya ako tungkol sa plan niya. I don't want to talk about it na hindi kasama si Daddy. Kung kaming dalawa lang kasi ay paniguradong she can easily manipulate my very innocent mind.

Kaagad na lumagpas ang kinukulayan ko ng makarinig ako ng ilang pagkatok. It's a bit traumatazing na talaga to think about Lola and what else she can do. She can easily throw commands kay Daddy kasi alam niyang susundin siya nito.

Mahirap talaga if you're just living to please someone. Hindi na makakilos si Daddy according to his will dahil mas inuuna niya ang gusto ni Lola para sa amin. Mas better pa ata na pinalayas na lang niya kami or hindi talaga tinanggap here sa Mansion nila.

Pero kung hindi nangyari ang lahat ng ito. Hindi ko makikilala si Tita Giselle, si Tito Keizer, Si Yaya Esme, Gertie the maingay, and si Rafael na masungit. Despite of all the bad things na nangyari sa amin ay dumating naman sila, they are my new family...they are part of my family.

"Vera..." tawag ni Daddy sa akin.

Nang marinig kong siya ang kumakatok sa aking pintuan ay kaagad akong tumayo at halos takbuhin iyon para lang pagbuksan siya.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon