Behind
Sandali akong natahimik because of what I heard. Gusto kong magtampo because I felt like they want to call me lang everytime they need money. Kung hindi nila need iyon ay hindi naman nila mai-isip na tawagan ako.
"Narinig mo ba yung sinabi ko, Vera?" galit na pag-uulit ni Mommy.
Marahan akong tumango kahit hindi naman nila nakikita iyon.
"B-but...I don't have enough money na po," sabi ko sa kanya.
"Putang...maglolokohan pa ba tayo dito?" galit na asik niya sa akin.
Namanhid ang buong body ko and nanginig pa ang kamay kong nakahawak sa phone dahil sa galit na boses ni Mommy. It's easy for her to shout at me dahil hindi ko masunod kaagad ang gusto niyang ipagawa sa akin.
Bumabalik yung feeling ko everytime sinisigawan ako ni Lola noon. Bumalik yung feeling ko na I'm walang kwenta everytime hindi ko nasusunod yung mga inuutos nila sa akin. I feel so lost, hindi ko na alam kung saan ako lulugar.
"It's true, Mommy. Naibigay ko na po sa inyo ang lahat..." ma-ingat na sabi ko because I don't want it to sound parang sinusumbatan ko sila.
It's bukas naman sa loob ko to lend them everything I have. But it's masakit din for my part na they remember me lang for money. Kulang na lang they change na may name from Vera to Pera.
"Sinusumbatan mo ba kami? Nanunumbat ka na ngayon?" asik niya sa akin.
"Hindi po, Mommy."
Tumawa siya ng pagak sa kabilang linya. "Tingnan mo 'tong walanghiya mong anak, Vinci," she said kaya naman uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata.
The way she said it ay parang wala akong ginawang tama for them. Wala naman silang narinig sa akin sa mga first money transfer ko to them.
"Tigilan mo na si Vera," rinig kong pagod na suway ni Daddy sa kabilang linya.
Mas lalo akong na-hurt when I heard his voice and looks like nawawalan na siya nang pag-asa.
"Ang kapal naman ng mukha ng anak mo kung papabayaan niya tayo. Parang hindi natin ibinigay ang lahat sa kanya nung bata siya," rinig kong pagtatalo nila ni Mommy.
Hindi man niya directly sinabi iyon sa akin ay she knows naman na naririnig ko iyon and masakit iyon for me. Wala siyang pakialam sa feelings ko.
"Hindi obligasyon ni Vera na tulungan tayo lalo na't...tayo naman ang gumawa nito sa sarili natin," Daddy said kaya naman tumulo ang luha sa aking mga mata.
Since then, wala namang ibang gusto si Daddy kundi ibigay ang best for me. Nilunok niya ang pride niya kahit kung ano anong hurtful and bad words ang naririnig niya kay Lola Cressida. Dinala niya ako sa mga Montero that day because he knows na magiging maginhawa ang buhay ko dahil may money sila.
Hindi rin naman alam ni Daddy ang ginagawa ni Lola sa akin that time kaya hindi ko pwedeng isumbat sa kanya iyon. He was also blindsided by the fact na ginawa niya ang lahat nang sabihin sa kanya nito for us to be accepted.
"Punyetang bata," gigil na sabi ni Mommy kaya naman halos sumikip ang dibdib ko.
Muli niyang inilagay ang phone sa tenga niya para kausapin ako.
"Magpakasaya ka. Ngayon pa lang ay tanggapin mo nang mawawala na ang mga magulang mo. Ang damot mo!" asik pa niya sa akin.
"Veronica, tama na!" galit na suway ni Daddy sa kanya.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.
