Chapter 17

41.1K 1.7K 530
                                    

Past



Diretso ang lakad ko palabas ng mansion nina Julio. Ramdam ko pa ang pagsunod ng pandak niyang dog sa akin na para bang he's teasing me pa at handa pa niya akong ihatid palabas.

"Leave me alone nga!" sabi ko sa aso.

Akala naman niya kahit na aso siya hindi ko siya aawayin. Isang beses niya akong tinahulan kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Shh! Shut up!" asik ko sa kanya.

Umupo nanaman siya sa harapan ko habang nakalabas ang dila niya while he's catching his breathe.

"Stop it, hindi ka cute!" sabi ko pa at inirapan siya.

Napaayos ako ng tayo ng marinig ko nanaman ang boses ni Julio.

"Bruno..." tawag niya sa anak niya.

Isang beses ko siyang nilingon at nakita kong nakatingin din siya sa akin kaya naman I immediately look away para mukhang masungit kahit ang totoo ay kanina ko pa gustong maiyak.

"Hindi ito deserve ng ganda ko," bulong bulong ko.

Hindi deserve ng beauty ko na palayasin.

"Wag mo na akong pigilan, aalis na talaga ako," sabi ko sa kanya at humalukipkip pa to make it more dramatic.

Umirap si Julio. "Hindi kita pipigilan. Isasara ko ng mabuti ang gate at baka may makapasok nanaman," sagot niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.

He is so nakakainis na talaga! August pakibatukan nga tong brother mo for me!.

Nagmartsa ako palabas ng gate niya. Every move ko gusto kong iparamdam sa kanya na galit ako pero feeling ko para lang ako batang nagta-tantrums sa harapan niya kaya naman nilingon ko si Julio at nakitang nakataas ang isang sulok ng labi niya.

After he realize na nakita ko iyon ay muli nanaman siyang naging masungit. Kamukha niya talaga ang aso niya. Konti na lang pwede na silang magpalit ng mukha.

"Uwi na," pagtataboy niya ulit at hinawakan pa ang makalawang niyang gate para isa iyon.

Matapos sa akin ay bumaba ang tingin niya sa gate at kumunot ang too.

"Bakit parang may sumipa dito?" seryosong tanong niya kaya naman napaayos ako ng tayo.

Kunwari akong tumingin doon para hindi halata na ako ang gumawa. It's not halata naman talaga and wala naman kahit anong bakas. Baka malakas lang talaga ang pakiramdam ni Julio or what...ewan ko.

"I think yung sumipa diyan...lalaki na may big na katawan, yung malaki ang muscles..." paguumpisa ko.

"Kasi yung mga kagaya ko...hindi yan kayang sipain," palusot ko pa.

Mula sa gate ay nalipat sa akin ang tingin ni Julio, umigiting pa ang panga niya. Mula sa aking mukha ay dahan dahang bumaba ang tingin niya sa body ko pababa sa legs then sa paa. Nagtaas ako ng kilay.

Humalukipkip siya sa aking harapan at nagtagal ang tingin sa suot kong white running shoes. Hindi ko na sana papansin ang kaso ay nalaglag ang panga ko ng makita kong there is a rust stain.

"Oh no! Not my white Balenciaga speed trainer!" pamomorblema ko.

Humaba ang nguso ko, ilang beses ko pa lang iyon nasusuot. I'll gonna buy na lang a new one.

"Mahilig kang magsinungaling...pero hindi ka magaling," seryosong sabi ni Julio sa akin kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"How rude naman of you to say that to me..." sambit ko.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon