Tears
Akala ko lagot na ako at gigising na ng tuluyan si Julio. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang mga mahihinang paghalik niya, looks like masyado talagang mabigat ang pakiramdam niya kaya he choose to sleep again. And mukhang akala talaga niya nananaginip lang siya na I'm here.
I thin it's better na lang kesa naman he knows na nandito ako and mang-aaway nanaman. Ako na lang ang naaawa sa points niya sa langit baka mag negative na si Julio if ever. Ako na lang ang ag-aadjust for him cause I have a heart naman sa mga needy even yung kagaya niyang always masungit akala mo naman ikina-gwapo niya.
Oo mas lalo siyang naging hot ang gwapo tuwing nagsusungit siya pero he should be humble naman sometimes. Alam ata niyang ganoon kaya palagi niyang ginagawa.
I carefully remove yung pagkakayakap niya sa akin kahit it's a bit mabigat sa aking kalooban. Kung pwede lang ganito kaming till the sun rise ay hahayaan ko. Ang kaso ay baka mapalayas nanaman ako for the nth time pag nakita niya akong nakapatong sa hubad niyang upper body kahit siya naman itong humila sa akin.
I made sure na tulog na tulog na si Julio and pwede na siyang iwanan bago ako bumaba.
"Get well soon, Snoopy. Pagaling ka...nagiging tanga ka when you're sick," sabi ko in a nice way ng maalala ko nanaman yung bukas ng backdoor.
Halos malukot ang mukha ko habang naglalakad papunta sa may kusina. Muli nanamang sumakit ang puson ko.
Nakita kong tumayo si Brunie mula sa pagkakadapa when he saw me kaya naman inirapan ko siya.
"Wag mo akong inisin ngayon...masakit ang puson ko," banta ko sa kanya. Wala naman siyang ginagawang bad pero dahil I'm iritado ay kahit kaunting galaw niya ay baka mainis niya ako.
Hindi siya nakinig sa akin as expected dahil hindi naman niya ako amo and impossible din namang gawin ko siyang pet dahil hindi ako nag-aalaga ng hindi super cute na aso.
Lumapit siya sa akin at sinabayan pa ako sa paglalakad. Nagtiim bagang ako ng mukhang he knows na aalis na ako and he's ready na ulit na ihatid ako palabas.
"Napaka-ungrateful mo...matapos kitang pakainin ng dog food. Tandaan mo, ginutom ka ng Daddy mo," sabi ko sa kanya at umirap pa.
I lock the door mula sa loob bago ko tuluyang isara. Tumigil si Brunie sa tapat ng pintuan at tumingin sa akin. Looks like he is well trained kahit hindi halata sa pagiging lazy niya kanina. Hindi nga siya tumahol kahit nakapasok na ako.
"Behave ok? Shh...don't tell anyone one na galing ako dito," sabi ko sa kanya.
"Shit!" sambit ko ng isang beses siyang tumahol sa akin.
Nasa labas na nang gate ang driver and patiently waiting sa aking paglabas. Mabilis siyang lumapit sa akin ng makita niyang hirap akong maglakad.
"Ano pong nangyari, Ma'm?" tanong niya sa akin.
"Tapos na ang spell ni fairy godmother," sagot ko sa kanya. I want to laugh sa itsura niya pero masyadong masakit ang puson ko to do it.
Nakapikit at nakasandal lang ako buong byahe pauwi kahit malapit lang naman iyon sa amin. Nagulat ako ng makita kong nasa may front door si Yaya Esme with her night dress and some night cream sa face niya.
"Bakit gising ka pa, Yaya Esme?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko makakatulog hangga't hindi ka pa umuuwi. At tingnan mo yan...sinasabi ko na nga ba," she said ng ituro niya ang pagkakahawak ko sa aking puson na para bang she knows na mangyayari ito.
BINABASA MO ANG
No more Sunrise (Sequel #3)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series To shine like the sun, you need to burn like the sun. Die on sunset and win the sunrise. Until there is no more tomorrow, Until there's No more Sunrise.