Chapter 7

35K 1.7K 376
                                    

Run



Nagkulong ako sa room ko after akong kausapin ni Mrs. Escuel. They will have pa daw ni Lola kaya naman hinayaan na nila akong umalis.

Gusto ko sanang magdraw or may gawin para malibang ako at hindi na masyadong isipin ang nangyari kay Elisse at sa pagkakastigo ni Lola sa akin. Pero lately nawawala na yung interest ko sa mga bagay na gusto kong gawin.

I always overthink. Then I’m scared pa na biglang umalis si Daddy at iwan ako kay Lola. I know naman na there is a big possibility na aalis talaga siya na hindi ako kasama. But if there is a chance na mapilit ko siyang isama ako…I’ll do it.

Nakarinig ako ng pagkatok. Humigpit kaagad ang yakap ko sa aking drawing book. Instead na makapagdrawing ay halos yakapin ko na lang iyon just to make my self inspired na magdraw pero wala talaga ako sa mood to do so.

“Sino yan?” sigaw na tanong ko. I don’t even have the strength na bumaba sa bed para pagbuksan iyon.

“It’s me, Rafael.”

Humaba ang nguso ko. Ilang sandali pa akong nag-isip kung papapasukin ko ba siya or not.

“Sige na nga, come in!” sabi ko sa kanya. Kung iniisip niyang napilitan lang akong papasukin siya ay tama siya.

Tahimik siyang pumasok sa room ko, dumiretso siya sa study table ko at umupo sa chair ko.

“What do you want this time?” tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya muna ako na para bang he’s checking something before siya nagsalita ulit.

“Bakit hindi ka nagsumbong sa Daddy mo? Sinaktan ka ni Lola. Tito Vinci should know about this,” suwestyon niya.

I feel naman yung concern ni Rafael sa akin kahit palagi siyang masungit. He’s mabait naman pero not all the time.

“Because I’m not a crybaby,” laban ko sa kanya at umirap pa para ipakitang strong ako.

“Liar,” he said kaya naman kaagad ko siyang sinimangutan.

“You don’t know me kaya!” laban ko sa kanya. I don’t want to be rude naman pero kasi he’s really pissing me off.

“If hindi mo sasabihin ito kay Tito Vinci…mauulit ulit ito, Vera.”

Kaagad akong nagiwas ng tingin at mas lalong humigpit ang yakap ko sa aking drawing book.

“I’m doing this for my Daddy. I need to support him sa work niya kaya naman hindi ako magsusubong,” sabi ko kay Rafael.

“You’re too young for that. Ano namang akala mo? Papatayuan ka ng rebulto just because of that?” tanong pa niya sa akin kaya naman mas lalong ayoko na siyang tingnan. He is so epal talaga.

“Lumabas ka na nga, Rafael. Nakakasira ka talaga ng mood,” pagtataboy ko pa sa kanya kaya naman muli siyang napasimangot.

“Mas matanda pa din ako sayo. You can’t just choo me like that,” pangaral niya sa akin kaya naman kagad kong itinikom ang aking bibig.

Hindi na ulit ako umimik pa kaya naman mukhang sumuko na siya at tumayo na. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa pinto para lumabas ay kaagad na kaming nagulat na dalawa ng bumukas iyon.

“What are you doing here, Rafael?” tanong ni Lola sa kanya.

Napaayos ako ng upo sa taas ng bed ko. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa aking drawing book. Napatingin ako kay Rafael na nilingon din ako, bigla akong nakaramdam ng takot. Kung kanina ay gusto ko na siyang umalis ay iba na ngayon. I wish he can stay pa so that may kasama ako, I don’t want to be alone with Lola.

No more Sunrise (Sequel #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon