01

617 18 5
                                    

Chapter 01

   Nakasimangot kong inilalagay ang mga damit ko sa lumang maleta. Hindi ko na inayos ang pagtupi sa mga damit at basta na lang 'yon sinalpak sa loob ng maleta. Hindi naman madami ang damit ko, sakto lang.

"Bilisan mong kumilos, Aj. Maya-maya ay nandyan na ang sasakyan," sabi ni mama sa akin, hindi ko siya sinunod. Mas binagalan ko pa ang pag aayos ng gamit ko.

Bakit ba kailangan pa akong sumama sa kanya? Maayos naman na ako dito, mas gusto ko dito! Ayoko sa ibang lugar, dito sa bicol ang gusto ko.

"Ma, bakit kailangan kasama pa ako? Ayos naman ako dito," reklamo ko sa kanya.

Tumigil ito sa kanyang ginagawa saka humarap sa akin, ang isang kamay niya ay nakalagay na sa kanyang bewang.

"Gusto mo talagang mapahamak ka dito? Hindi ka talaga nadadala, ano?"

"Kila tita na lang muna ako matutulog, pwede naman 'yon e." nakangusong sabi ko sa kanya.

"Hindi, usapan na rin natin ito, Jade. Magkokolehiyo ka sa maynila. Doon ka magtatapos ng pag-aaral!" hindi na ako nakapag salita nang talikuran niya ako at tapusin ang kanyang ginagawa. Wala na akong nagawa kun'di ang ayusin na rin ang mga gamit ko. I don't have a choice.


Pupunta kami sa maynila. Titira kami sa bahay ng amo niya, nakapunta na ako doon isang beses pa lang. Pero masyado pa akong bata nang mga panahon na 'yon. Hindi ko na maalala kung anong itsura ng bahay ng amo niya. Basta ang alam ko ay mala mansyon ang itsura no'n.

I just graduated from senior high school. Gaya ng sabi ni mama ay sa maynila na ako mag aaral ng kolehiyo. Ayoko sana pero si mama ang nagpapa-aral sa akin at napagkasunduan na rin namin na magsasama na kami pag nag kolehiyo na ako.

May sarili kaming bahay dito sa bicol, pero ibebenta na ni mama dahil mukang sa maynila niya na talaga balak na tumira. Wala akong ama, ang alam ko ay naanakan lang si mama kaya hindi ko nakilala ang biological father ko, hindi ko naman hinahanap, sapat ng nasa tabi ko si mama.

"Tapos ka na?" tanong nito sa akin.

"Malapit na!"

Gusto ko sanang hanggang bakasyon ako rito, pero dahil sa nangyari kahapon ay nagbago ang isip ni mama. Nagkaroon kasi ng nakawan sa katabing bahay namin, sakto ang pag uwi ni mama kaya nalaman niya ang nangyari.

Tinayo ko ang lumang bagahe ko at nilagay sa ibabaw ang may kalakihang back pack. Kinuha ko ang isang paper bag na naglalaman ng ibang gamit ko, sinuot ko ang sling bag saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto.

Isa lang ang kwarto ng bahay, wala naman madalas si mama dito kaya ako ang gumagamit nito. Sa tuwing uuwi siya ay tabi kaming natutulog. Hindi naman siya tumatagal ng isang linggo, mga tatlong araw lang siya rito at babalik na rin siya sa maynila.

May study table na wala ng laman ngayon, wala na rin ang mga picture frame na nakasabit sa dingding. Ang kama ko ay iiwan dito, sila tita na kasi ang bahalang umasikaso nito. Sana ay hindi na lang ito ibenta ni mama, kausapin ko nga siya mamaya.

"Nandyan na ang sundo, Aj. Tara na!"rinig kong sigaw ni mama.

Umayos na ako at hinila ang maleta palabas ng kwarto. May dalawang lalaki ang pumasok sa bahay at binuhat ang mga gamit namin palabas. Hindi naman lahat dinala ni mama, mukang iiwan niya rin ang mga ito.

" Sinong titira dito?" tanong ko kay mama.

"Ang pinsan mong si Kyle, pansamantala muna siya rito,"

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now