Chapter 40
Isang tawag ang natanggap ko mula kay Andres, pinakita ko ang cellphone ko sa dalawa na ngayon ay parehas ng nakangisi. Ngumuso ako bago sagutin ang tawag.
"I'm already here. Where are you?" sinabi ko kung nasaan kami, he ended the call kaya tumayo na ako para salubungin siya.
Wala pang sampung minuto ng makita ko na siya, he's wearing a black hoodie and a black pants. Nakalagay sa bulsa ng hoodie niya ang dalawa niyang kamay, seryoso itong nakatingin sa akin habang nililipad ng hangin ang kanyang buhok. Napansin ko ang ilang babaeng lumilingon sa kanya, sino nga bang hindi mapapalingon sa kanya?
"What are you doing here?" salubong ko sa kanya, umiling lang ito sa akin saka nilagay ang kamay sa aking bewang, marahan niya akong hinila papunta sa dalawa.
"It's girls day, Andres. Why are you here?" tanong ni Tasha sa kanya.
"My girl is here, Z." sabi ni Andres sa kanya.
"How sweet are you," nakangising sabi ni Ade sabay tingin sa akin, inismiran ko lang siya.
"Have you already eaten?" tanong ni Andres sa akin, nilingon niya rin ang dalawa.
"Yeah kanina," sagot ni Tasha.
Nanatili kaming nakatayo ni Andres habang ang dalawa ay nakaupo. Kung uupo kami ay hindi kami magkakasya sa sako na nakita namin. Nagsisimula ng dumilim ang kalangitan, ang simoy ng hangin ay mas lalo ng lumalamig.
Naramdaman ko ang pagkakayakap ni Andres mula sa likuran ko, napangiti ako. Biglang gumaan ang pakiramdam ko.
"Bakit pumunta ka rito?" mahinang tanong ko sa kanya, kanina ko pa gustong itanong iyon sa kanya. Bakit nandito siya? Bakit umalis siya doon sa party ng kaklase niya? At anong ginagawa ni Sharmaine doon, akala ko ba walang babae?
"Boring doon," humigpit ang yakap nito sa akin.
"How about Aivan?" tanong ko sa kanya.
"I don't know, baka umuwi na rin siya." marahan akong tumango.
"Hindi ko alam kung bakit naroon si Sharmaine, Jade. Dumating ako roon na nandoon na siya." Hindi ako umimik, kahit hindi ko tinatanong ay sinasabi niya sa akin!
"Ahh..."tanging nasabi ko.
Ipinikit ko ang aking mata nang higpitan niya ang pagkakayakap sa akin," It's better to be with you, Jade."
"Kaya ka tinatawag na KJ e," natatawang sabi ko sa kanya.
"It's ok kung ikaw naman ang kasama ko."
"Keso,"narinig ko ang mahinang pag tawa nito.
Tumagal pa kami doon ng ilang minuto bago naisipan na umuwi, dahil narito si Andres ay sa kanya ako sasabay. Hindi na ako didiretso sa condo at sa bahay na nila ako pupunta. Nag text na rin naman kay Alfred na mauna na siya.
"Ingat sa pagmamaneho," sabi ko kay Ade, sumaludo naman ito sa akin.
"See you."
Binuksan ni Andres ang pintuan, tipid akong ngumiti sa kanya bago sumakay sa loob. Kinabit ko ang seatbelt ko bago pa siya makasakay.
"Sa bahay nyo na," sambit ko nang makasakay siya.
"Alright then,"
Umayos ako ng upo at sinandal ang ulo sa bintana. Inaantok ako, ayoko namang ipikit ang mata ko dahil alam kong makakatulog ako. Edi nakakahiya naman kay Andres.
YOU ARE READING
Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed)
Romance"It's rare to meet a man who is straightforward to tell his feelings to a woman he likes." Aj says to herself. For her, Andres is a man who will tell you what he really wants to say. Even if you are hurt or not. She doesn't know how to handle this k...
