24

138 5 0
                                    

Chapter 24

   Nakatuon lang ang atensyon ko sa bintana habang umaandar ang sasakyan. Walang nagsasalita sa aming dalawa, sanay naman na akong tahimik kapag magkasama kami. Pero, minsan ay tinatanong ko siya...pero ngayon ay wala akong balak na kausapin siya. Hindi ko alam ang dahilan.

"How's your exam?" hindi ko siya nilingon ng tanungin niya ako.

"Ayos lang naman," simpleng sagot ko.


"You ok?" halata ang pagtataka sa tono niya, tumango ako...nanatili ang paningin sa labas. Hindi na ako nakarinig ng salita mula sa kanya.


Dahil hindi naman trapik ay agad kaming nakarating sa condo. Madilim na ang kalangitan, marami pa rin akong nakikitang naglalakad. Bumaba siya ng sasakyan kaya bumaba na rin ako. Hindi niya talaga iniiwan ang sasakyan niya sa parking mismo, mukang may nag-pa-park ng sasakyan niya sa parking.


Sabay kaming naglakad, ang mga babaeng nakakasalubong namin ay panay ang tingin sa kasama ko. Talaga namang mapapatingin ka kapag siya ang dumaan, maliban sa matangkad siya ay talagang malakas siyang makakuha ng atensyon.

Ipinagpasalamat ko na may kasama kami sa loob ng elevator ng makasakay kami, nanatili siyang tahimik sa gilid ko. Hindi ko naman mabasa kung ano ang nasa isip niya. Ang hirap niya kayang intindihin.

Nauna akong lumabas sa kanya sa elevator, humarap lang ako ng nasa tapat na ako ng unit. Nabigla pa ito sa biglang pagharap ko. Seryoso ang mga tingin nito kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya, hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya.


"Salamat sa pagsundo," sabi ko.


"She's not my type," kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, ano daw?


"Huh?" takang tanong ko sa kanya.


"Sharmaine, she's just my friend, not my type." kinagat ko ang gilid ng pisngi ko, pinipigilan ang ngiting gustong kumawala. Tinatanong ko ba? Ano ba 'yan!


"Ahh," tanging na sabi ko.



"Take a rest now, Jade. See you later," magsasalita na sana ako ng unahan niya akong pumasok sa unit nila. Later? Anong meron sa later?


May ngiting kumawala sa labi ko ng tuluyan akong makapasok sa unit, inilapag ko ang bag ko sa sofa at pakantang naglakad papunta sa kusina habang kumukuha ng tubig. Biglang nagbago ang mood ko dahil sa sinabi niya. So it means, walang pag-asa na magustuhan niya ang babaeng iyon? Bakit ako kinikilig, shocks! Mababaliw na ako.


Dahil wala pa ang dalawa ay naisipan kong mag linis na muna ng condo, hindi ko alam kung anong oras sila makakauwi. Pagkatapos kong mag linis ay nag half bath lang ako. Hindi naman ako nagugutom pero nagluto pa rin ako ng pwedeng lutuin para sa pagkain nila mamaya. Kahit papaano naman ay medyo natuto na ako.


Saktong pagkatapos kong magluto ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell, kumunot ang noo ko. Sino naman ang kakatok? Parehas silang may susi ah. Pinunsan ko ang parehas kong kamay bago maglakad at buksan ang pinto.



"Hi," nakangiting sabi ni Tasha sa akin, agad kong napansin ang dala nitong paper bag.



"Anong meron?" takang tanong ko, niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Siya lang ang mag-isa. Nasaan si Andres?


"I'm not sure kung pupunta siya, Aj. He's busy because of his school works." ngumuso ako sa sinabi niya. Hindi ko naman tinatanong. Pero sabi niya kanina ay later!


Naglakad ito papunta sa kusina, inilapag niya ang paper bag na dala niya. Tinulungan ko siyang tanggalin ang mga laman ng paper bag.


"Alak?" takang tanong ko.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now