44

147 6 0
                                    

Chapter 44

  Nakangiting inunat ko ang parehas na kamay. Atlast! Tapos na ang aming midterm exam, ibig sabihin ay makakapag pahinga na ako.

"Nangamote ako sa history a," kamot ulong sabi ni Seb sa amin. Natawa ako, lahat naman siguro kami.


"Totoo, akala ko pa naman ang dali lang e, kahit kailan pahirap talaga." gatong naman ni Rachel.


History kasi ang last exam namin ngayon.


"Tara...practice." sabi ni Dominique sa amin.



"Isa pa ito." nakangusong sabi ni Rachel, mabilis kong inayos ang gamit ko.



Sinabit ni Rachel ang kanyang kamay sa aking braso, dahil midterm lang naman ay maaga ang uwi namin. Kahit papaano naman ay may usad na ang practice namin, medyo nakakabisado na rin namin ang script.


Kinuha ko ang phone ko ng maramdaman itong tumunog, agad kong sinagot ang tawag ng makitang si Andres ang tumatawag. Ngumisi si Rachel sa akin saka naunang maglakad.


"Hello," sagot ko.


"You done?"



"Ahm yes, pupunta kami sa riverbank, you know practice."


"Hanggang ngayon ay wala pa rin ang cookies na ibibigay mo sa akin, Jade." kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang tawang gustong kumawala.


"Nasa unit, mamaya ay Ibibigay ko na."


"Tsh, prof is here. Text me kapag magpapasundo ka na."

"Sige, I love you."


"I love you more." then he ended the call, nakangiting binalik ko ito sa bag.


Dahil may dalang sasakyan si Dominique ay hindi na namin kailangan na mag commute. Sumabay kami sa kanya papunta sa riverbank, ang ibang kasama namin ay may dala rin na sasakyan.


" Wala ba tayong pasok bukas?" tanong ni Rachel, siya ang nakaupo sa front seat, habang nasa gitna naman namin si Seb.


"Wala na," sagot ni Marvin.


"Anong oras practice bukas?" tanong ko, miyerkules pa lang bukas pero sa monday na ang pasok namin.


"Mga tanghali na siguro," si Seb ang sumagot.


Maayos na pinarada ni Dominique ang sasakyan niya sa tabi ng sasakyan ng kasama namin. Bumaba na sila kaya bumaba na rin ako, nabigla pa ako ng hawakan ni Rachel ang kamay ko.


"Ngayon ko lang nakita ito, kay Andres galing?" tanong niya habang nakatingin sa singsing na suot ko.


"Oo," simpleng sagot ko. Hindi ko naman tinatago sa kanila, hindi lang talaga siya agad makikita dahil simple lang.

"In fairness, kahit simple lang ay mukang mahal." ngumuso ako, gustuhin ko mang tanungin ang presyo nito ay hindi ko magawa. Baka malula lang ako sa price.


"Engaged na kayo?" medyo malakas ang pagkakatanong ni Seb kaya naman ang ibang kasamahan namin ay napatingin sa amin, mahinang hinampas ko si Seb.


"Ano ka ba?" tanong ko.



"Bakit? Nagtatanong lang naman ako a, you're wearing a ring, Aj." irap matang sabi nito.


"Were not engaged," yet...


"Ah, promise ring lang ganern?" aniya sabay sulyap sa kamay ko.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now