31

153 8 0
                                    

Chapter 31

  Nakaupo ako sa gilid ng pool ng may magpatong ng twalya sa likod ko, mabilis kong nilingon kung sino ito. Nakita ko na lang ang naglalakad na palayong si Andres, nakangiting sinundan ko siya ng tingin.

Simula nang sabihin niya iyon sa akin kanina ay hindi niya na ako kinausap pa, mas mabuti nga iyon. Dahil hindi ko alam kung paanong kakausapin siya. Masyado akong nabigla, masyado siyang nambibigla. Iyon naman talaga ang hilig niyang gawin, ang mambigla.


"Anong ganap nyo kanina sa pool?" tanong ni Ade sa akin, kakaahon lang nito simula kanina nang maligo kami.


"Wala naman," sabi ko.



Tinignan ko si Andres na ngayon ay kasama na ang mga pinsan, nakangiti ito habang may hawak na isang bote. Mababa lang ang alcohol tolerance niya 'di ba? Pang ilang bote niya na ba iyan?


"Mukha mo, akala nyo ba hindi kayo agaw eksena doon kanina? May pabulong bulong pa kayo," tumawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Winisikan niya ako ng tubig gamit ang paa niya.


"He confess," mahinang sabi ko, inilagay niya ang kamay sa nakaawang na bibig. Nginitian ko lang siya, walang mapaglagyan ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Una ito sa pakiramdam ko, ito ang unang beses na may magsabi sa harap ko mismo na gusto niya ako.

" O, tapos? Anong sunod na nangyari?"


"Hinatid niya ako dito sa gilid, he never allowed me to talked. Siguro dahil wala rin akong masabi, nakakabigla iyon, Ade! First time mangyari iyon sa akin," sabi ko sa kanya.


"Jusko te, ang ganda mo." sumimangot ako sa kanya.



"Dapat ba maging masaya ako?" tanong ko sa kanya, nakatikim ako ng mahinang hampas mula sa kanya.


"Parang hindi naman halata sa mukha mo," nang-aasar na tinig na sabi nito.


"Nababahala kasi ako,"nangangambang sabi ko. Iyon naman kasi ang totoo, hindi ko alam kung bakit natatakot ako.


"Huwag mong isipin iyan, Aj. Umamin pa lang naman siya sa'yo. Tingin ko naman kung liligawan ka niya ay hindi ka mamomoblema sa babae, you know... he knows how to  handle girls." aniya sabay kindat sa akin. Tumayo ito, inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.


"Tara magbihis na tayo," inabot ko ang kamay niya at nagpahila sa kanya.


Pagkatapos naming magbihis ay meron pa ring ilang naliligo, ang iba ay nagpaalam na rin na umuwi. Ang ilang mga kaklase ni Andres at Tasha ay nagpaalam na sa kanila. Pero si Sharmaine ay hindi pa rin nauwi, hanggang umaga ba siya dito?



"Here..." tawag ni Tasha sa amin, nakaupo sila habang may mga bote ng alak na nakalagay sa mesa. Tumayo si Tasha at hinila ako paupo sa tabi ng kambal niya, nag umpisa na naman ang kakaibang pag tibok ng dibdib ko.

Isang simpleng puting damit at itim na short ang suot ni Andres, may stripe na twalya itong nakapulupot sa kanyang leeg. Napangiti ako nang makita ang suot na binigay kong kwintas sa kanya.


"What?" mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya, ang sungit niya a!


"Wala," sambit ko.


Inabot ko ang bote na binigay ni Tasha sa akin, kinuha ito ni Andres at siya na ang nagbukas nito. Kinuha ko ito ng iabot niya.

"Don't drink too much," aniya, tumango ako.


Wala ng naliligo sa pool, ang iba ay may kanya-kanyang buhay. Ang mga pinsan ni Andres ay nagsisimula ng mag-ingay dahil tinatablan na ng alak. Hindi ko na napansin si Rupert, ang sabi ni Tasha ay tinawagan na ng manager dahil baka daw malasing ito at hindi makapasok bukas.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now