55

125 7 0
                                    

Chapter 55

   Isang masarap na ihip ng hangin ang bumungad sa akin ng makalabas ako ng hotel. Nilibot ko ang paningin ko, marami na ang batang naglalaro sa buhangin, may mga naliligo na rin.


"Tara na! Excited na ako tikman ang alat ng tubig ng boracay," sabi ni Seb, sinabit nito ang kamay sa braso ko. Mahina akong natawa.


"Natulog ka ba?" natatawang tanong ko sa kanya, umiling ito sa akin. "Hindi, na excite kasi ako." aniya. Hinila na ako nito papunta sa dagat.


Ang iba ay nasa hotel pa, dahil maaga kaming nagising kanina ay mga nagbabawi pa sila ng tulog. Mahigit isang oras lang ang byahe namin kanina. May hotel na rin kaming tutuluyan, isa sa mga pag mamay ari ni papa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano-ano pa ang pagmamay ari ni papa. Hindi ko naman kasi tinatanong sa kanya, kaya kapag may nabubulgar ay wala akong alam.


"Kakaiba ang tatay mo," sabi ni Seb sa akin.


Hindi kami natuloy sa dagat, mainit na kasi sa balat ang sikat ng araw. Kaya naman ay naglakad lakad na lang muna kami.


"Hindi ko alam." pag-amin ko.


"Ba't hindi tinatanong?" natatawang tanong niya sa akin, ngumuso ako sa kanya. "Nahihiya ako, hanggang ngayon kasi ay naninibago pa rin ako sa buhay namin ngayon."


"Masasanay ka din," aniya.


Marami kaming mga stores na nadaanan. May Ilan kaming nakakasalubong na naka swimsuit na. Nakasuot ako ng malaking damit para itago ang swimsuit na suot ko.


"Bago tayo umuwi, bili tayo ng mga souvenirs." aniya.


"Bibili talaga ako," sabi ko.



Bumalik kami sa hotel na tinutuluyan namin. Isang presedential suit ang kinuha ni papa para sa aming lahat. May dalawang malaking kwarto at limang kama
sa bawat kwarto.

Gising na ang lahat ng makapasok kami, may nakahandang pagkain na rin sa mesa. Mukang galing ito sa mismong hotel. Ang ganda kasi ng pagkakaayos.


"Where's Audrey?" tanong ko kay Ade, umupo ako sa tabi niya at nag umpisa na kumain.


"I'm here," tinignan ko si Audrey na kalalabas lang ng cr, nakasuot din ito ng malaking damit.


"Saan kayo galing?" tanong ni Rachel sa akin.


"Sa labas lang," sagot ko.


"Hindi man lang nag aaya?" tanong ni Ade sa akin, sumimangot ako sa kanya. "Tulog ka, paano kita aayain?" tanong ko sa kanya, umismid lang ito sa akin.


"Maybeline is here," sabi ni Dominique. Tumayo ito at mabilis na naglakad palabas ng kwarto.


"Gagi, ikaw na lang pala walang bebe," sabi ni Tricia sa akin, binato ko ang tissue sa kanya, mahina naman itong natawa.


"Si Seb din naman," sabi ko. Mukang makukulong ako sa kanya, kaming tatlo nila Audrey.


"Kay papa Aivan ako no," sabi ni Seb sabay lingkis ng braso kay Aivan, ginulo naman ni Aivan ang buhok niya. Akala ko naman ay may isasama siya ngayon, wala pala.


Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang dalawa. Agad akong tumayo para salubungin si Maybeline, ngumiti ito sa akin.


"Omaygash! Namiss kita!" matiling sabi nito sabay yakap sa akin.


"Namiss din kita, kamusta?" tanong ko sa kanya.


"Medyo stress sa work," aniya. Mas ahead si Maybeline sa amin ng dalawang taon. Kaya mas matanda siya kay Dominique. I met her in batangas, nang minsang dalawin namin ang resort ni papa doon. And, pinuntahan niya ako sa school at doon niya nakilala si Dominique.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now