57

136 10 1
                                    

Chapter 57

   Isang alaala ang pumasok sa isipan ko ng  makapasok ako sa resort. Napangiti ako ng mapait, muling bumalik sa akin ang alaala na kasama ko siya, dito mismo sa lugar na ito kung saan huli ko siyang nakita.

"Bring back memories...bring back yeow," sinamaan ko ng tingin si Aivan ng kantahin niya iyon. Ang lakas niyang mang asar, huh.

"Ihulog kita sa pool, you want?" tanong ni Ade sa kanya, agad na umiwas si Aivan sa kanya.

"Parang nagbibiro lang e," aniya.


Pumasok kami sa isang villa, ang ilang models ay naroon na. Ang alam ko ay hindi pa sila kumpleto. Sanay ay hindi mamoblema si Tasha mamaya.


"You ok?" tanong ni Ade sa akin, nilagay ko sa gilid ang maleta ko, okupado ang isang kwarto. Kaya naman lumabas sila Aivan para rentahan ang isa pang villa na katabi nito.

"Yes," sambit ko.

Nakita ko na ang mga gown na irarampa mamaya, ibaba ang kulay ng gown na narito. Paniguradong magiging prinsesa ang magsusuot ng mga gown mamaya.


"Weh?" paninigurado ni Ade sa akin.


"Believe me, Adelaida." sabi ko sa kanya. Pero alam ko naman na hindi siya naniniwala doon, I'm not ok.


Lumabas ako para tignan ang venue, may mga naka set up ng mesa sa mga gilid para sa mga audience. Nakatayo lang ang mga manonood kung ganoon. Pati ang dadaanan ng mga rarampa mamaya ay nakaayos din, pinatungan nila ng red carpet ang dadanaan. Hindi kaya mabasa ang mga gowns? Napansin ko na masyadong mahaba ang mga gowns e.


"Ang ganda ng venue, talagang pinaghandaan." Hindi ko namalayan sa gilid ko si Rachel.

"Oo nga e," sambit ko.


"You're not ok, are you?" tanong nito, pang ilan na ba siya sa nagtanong? Kahit nasa byahe pa lang kami ay panay na ang pagtatanong nila sa akin. Naiintindihan ko naman na nag aalala lang sila sa akin.

"Yeah," pag amin ko. Nakakapagod din magsabi ng kasinungalingan a.


"Simula nang umalis siya ay hindi ko na nakita ang tunay na ngiti sa mga labi mo, wala na 'yong saya e." malungkot na sabi nito, natamaan ako sa sinabi niya. Iyon din ang napansin ko sa sarili ko, tumatawa ako pero alam kong may kulang.


"I'm sorry," paghingi ko ng tawad.


"Don't be, Aj. Alam kong nasa healing process ka na ngayon, makikita rin namin ulit ang magaganda mong ngiti." aniya, hinawakan pa nito ang balikat ko.


"Thank you for staying with me, Rachel." ngumiti siya ng matamis. "Ikaw ang dahilan kung bakit masaya ang buhay ko ngayon," aniya, sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya. Si Alfred na nakikipagtawanan sa mga kaibigan namin.


"You deserve it." sambit ko.


"Deserve mo rin na maging masaya, huwag mo sanang ipagkait iyon sa sarili mo." ngumiti na lang ako sa kanya.


Hinawakan ko ang leeg ko, wala na ang kwintas at ang suot kong singsing na galing sa kanya. I guess i need to move on, baka kasi ako na lang talaga ang nag aantay sa kanya, ako na lang ang umaasa sa relasyon na binuo naming dalawa.


Bumalik ako sa villa na nirentahan nila Aivan para sa amin, tumabi ako ng upo kay Ade. Kumakain na sila, mga hindi man lang nag aaya.

"Bakit nakabusangot ka?" tanong ko kay Tasha?


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now