36

128 8 0
                                    

Chapter 36

   Isang hampas ng unan ang nagpagising sa akin, unti-unti kong dinilat ang mata ko para malaman kung sino iyon. Nakita kong hawak ni Ade ang unan habang nakapamaywang sa akin.

"Ano ba?" inis na tanong ko sa kanya, inayos ko ang pagkakabalot ng kumot sa aking katawan. Ang lamig, anong oras na ba? Gusto ko pang matulog.


"Anong ano ba? Oras na nang pag gising, Amarine Jade." inikot ko ang paningin ko, ako na lang ang nakahiga! Bakit hindi nila ako ginising?


" Where are they?"tanong ko, nilapag nito ang unan sa tabi ko. Ngayon ko lang napansin na nakabihis na siya.


" Kanina pa nagpapakasaya doon, sarap ng tulog mo a. Bangon na!" huminga ako ng malalim bago umupo, humikab pa ako bago tumayo.

" Si mama?"tanong ko.


" Naliligo na, kanina ka pa kaya pinapagising. Buti nga at hindi si tita ang gumising sa'yo,"irap matang sabi nito, dinampot ko ang damit na hinagis niya sa akin.

" Ano 'to?"takang tanong ko.


"Iyan ang suotin mo," niladlad ko ang damit, it's a yellow dress na pa backless ang style.


"Wear two piece too, naliligo na kasi sila." binigyan ko siya ng isang tango bago pumunta sa cr.

Dahil backless ang suot ko ay kita ang two piece na suot ko sa likuran, ayos lang. Nasa beach naman ako, walang mamumuna ng suot ko. Naghilamos ako at hinayaang nakalugay ang buhok ko, medyo mapula naman ang labi ko kaya nilagyan ko lang ito ng lip balm para hindi ganoon ka dry.

"Alright,"


Paglabas ko ng cr ay hindi si Adelaida ang naabutan ko, nakaupo si Andres sa kama habang nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong nailang, kese nemen e! Bakit ganyan siya makatingin? Para akong natutunaw sa mga tingin niya.



"Ba--bakit?" kinakabahan na tanong ko sa kanya, umiling ito at tumayo. Napalunok ako ng mariin ng maglakad ito palapit sa akin, ang bango niya talaga! Ako? Hindi ko alam, nakalimutan kong maglagay ng pabango!


Tumingin ako sa kanya habang inaayos niya ang ilang hibla ng mukha ko, napahawak ako sa dulo ng dress ko ng ngumiti ito sa akin. Nakanang, ang gwapo!

"Good morning." aniya.


"Good morning din," nakangiting sabi ko.


"You hungry?" he asked, marahan akong tumango. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinila palabas ng kwarto.


May pagkain ng nakahanda sa mesa ng maupo ako, agad kumalam ang sikmura ko ng maamoy ang mga nakahanda. Tumabi ng upo si Andres sa akin at inasikaso ang pagkain ko. He loves spoiling me.


"Coffee?" umiling ako. "Bawal ako nang kape,"


"How about milk?" mahina akong natawa, "I'm ok with this, salamat." he tapped my head saka tinuro ang pinggan ko na may pagkain na.


"Ikaw? Kumain ka na?" tanong ko.


"Yeah,"


"Hindi mo ako inantay," kunyaring nagtatampong sabi ko, agad kong nakita ang pag bago ng ekspresyon niya.


"Biro lang," bawi ko, inirapan ako nito. Aba!


"Sungit." bulong ko.


Pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Nakatayo lang si Andres, nag-aantay. Ngayon ko lang napansin ang suot niya, white sando and blue shorts. Ang shades nito ay nakasabit sa sando niya.

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now