Chapter 08
Kanina pa nangangatog ang parehas na tuhod ko dahil sa kaba habang nakatayo sa gilid ng sasakyan nila. Si Andres na lang ang inaantay namin. Si Tasha na rin ang nag paalam sa akin kay mama, akala ko ay hindi siya papayag dahil kakauwi ko lang. Pero pumayag siya at binigyan lang ako ng ilang paalala.
"Daig niya pa ang babae dahil sa bagal niyang kumilos," reklamo ni Tasha. Kanina pa siya nagrereklamo. Wala pa namang kaming limang minutong nag aantay sa kakambal niya.
She flipped her hair, mahaba ang kanyang buhok, hanggang bewang ang haba nito. Straight ang buhok niya pero ngayon ay nakakulot ang ibaba, naghahalong itim at asul ang kanyang buhok. Her jeans is really suit in her long legs. Ang pang itaas niya ay simpleng croptop lang na kulay pula. Pero bakit ang lakas ng dating niya?
Napatingin tuloy ako sa suot ko. Simpleng faded jeans at off shoulder na black ang suot ko. Pinusod ko ang buhok at nilaglag ang kaonting buhok. Hindi kaya mapagkamalan nila akong PA ng kambal? Iyon ang itsura ko ngayon.
"Atlast! Ang tagal mo!"
Napatingin ako sa kararating lang na si Andres. Casual lang ang suot niya, simpleng black short and white t shirt. May dogtag din siyang suot na nagpadagdag ng appeal niya.
Gash! Bakit ba pumayag ako sa kalokohang ito? Kahit ata basahan ang ipasuot mo sa kanila ay babagay pa din. Ang unfair ng buhay a.
"7 minutes," aniya. Kumunot ang noo ko, anong meron sa 7 minutes?
"Pinag-antay mo pa rin kami." ismid na sabi ni Tasha. "Open your car now, Andres!" agad naman sinunod ni Andres ang inutos ng kapatid.
Nahiya ako nang si Tasha ang nagbukas ng pintuan sa likuran para sa akin.
"Get in, Aj." aniya, ngumiti ako ng alanganin bago sumakay. Umikot papunta sa driver seat si Andres at umupo sa tabi niya si Tasha.
"Were late na, Andres." sabi ni Tasha.
"You're too early, Tasha."hindi ko na narinig ang sagot ni Tasha. Ano bang pinagtatalunan nila? Dapat ba talaga akong sumama? Pwede pa naman siguro akong tumanggi. Ano bang magandang palusot ang pwedeng sabihin?
Isang busina ang ginawa ni Andres bago buksan ang malaking gate. Sumaludo si kuya Mael sa kanya, ang guard na nagbabantay.
"Where's Fur?" rinig kong tanong ni Tasha.
Tumingin ako sa labas. Malalaki ang bahay na nadadanaan namin, talagang mayayaman ang mga nakatira. Ang iba ay mala mansyon ang itsura katulad ng bahay ng kambal.
"Aivan's," sagot ni Andres.
Umayos ako ng upo, pasimple kong sinulyapan si Andres. Ang isang braso nito ay nakasandal sa bintana, habang ang isa ang ginagamit niya sa paghawak sa manibela. He's hot, really.
"You ok there, Aj?" nilingon ako ni Tasha ng itanong niya iyon.
"Oo naman," sambit ko. Naiilang ako, hindi ko naman inaasahan na makakasama ko ang dalawa.
"Hindi naman tayo magtatagal, after natin makahanap ng condo ay kakain tayo with our friends then konting pasyal ta's uuwi na."hindi ako umimik. Nginitian ko lang siya, ngiting hindi tunay.
What does she mean? May iba kaming makakasama? Hindi kaya ay may sabihin silang hindi maganda sa akin? I'm not rich like them! Sana pala ay nagdala ako ng tissue. Mukang kailangan ko iyon mamaya.
Halos isa't kalahating oras ang tinagal namin sa byahe. Naging pamilyar sa akin ang dinadaanan namin. Kagagaling ko lang dito kanina, kasama sila Ade.
YOU ARE READING
Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed)
Tienerfictie"It's rare to meet a man who is straightforward to tell his feelings to a woman he likes." Aj says to herself. For her, Andres is a man who will tell you what he really wants to say. Even if you are hurt or not. She doesn't know how to handle this k...