50

143 7 1
                                    

Chapter 50

   "Class dismissed." ang sarap talagang pakinggan ng salitang iyan.

Nagmadali akong ayusin ang gamit ko, nagkaroon kasi kami ng activity sa PE kaya naman medyo makalat ang pwesto namin ni Rachel.


"Mukang may lakad a," sabi ni Rachel sa akin, ngumiti lang ako sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ang tungkol sa pag-alis ni Andres, gusto kong pasalamatan si Alfred dahil hindi niya pa nababanggit kay Rachel ang tungkol dito.

"Nandiyan na siguro ang bebe kaya nagmamadali," sabi naman ni Seb.

"Mahigit isang linggo niya rin iyon di nakita, no. Malamang miss nya na," sabi naman ni Seb.

"Ewan ko sa inyo, tara na nga."


Hindi ko na kailangan na mag-text kay Andres dahil nasa baba na siya at nag-aantay.

Sabay sabay kaming lumabas ng room, konti pa lang ang estudyanteng nakikita naming lumalabas. Ang iba siguro ay may klase pa.

Napangiti ako ng makita si Andres na nakatayo sa gilid ng sasakyan niya habang pinaglalaruan ang susi sa kanyang kamay, nakalagay pa ang isang kamay niya sa bulsa ng pants niya.

Ang gwapo!


"Mauna na ako guys, bye!" paalam ko sa kanila. Kumaway naman si Andres sa kanila.


"Sige, ingat kayo! Bye." ngumiti ako sa kanila bago maglakad palapit kay Andres.


"Hi," nakangiting sambit ko ng makalapit ako sa kanya, hinalikan nito ang noo ko kaya mas lalong lumaki ang ngiti ko.


"How's your day?" he asked. Kinuha nito ang bag ko.


"Ok lang naman, nothings new." sambit ko. "Ayy, exempted ako sa project sa math. Thanks to you."kumunot ang noo nito, hindi niya naintindihan.


" Iyong sa assignment namin sa math, you teach me how to solve it, right?"tumango naman siya." Tinawag ako ni sir for solving the problem. Ta's tama ang sagot ko,"hehe.


Ginulo niya ang buhok ko." And because of that you deserve a treat."


"Syempre!" sambit ko.


"Let's go,"



Pamilyar sa akin ang dinadaanan namin. Papunta ito sa restaurant na pag mamay ari nila. Ibig sabihin ay pupunta ulit kami sa tree house nila? Bigla akong na excite ng maisip iyon.


"You hungry?" he asked. Nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng restaurant nila, may mga ilan din na nakapark dito.


"Hmm, hindi pa naman." sambit ko, medyo marami rin kasi ang kinain ko sa school kanina.


Naunang bumaba si Andres, ngumiti ako ng tipid sa kanya ng pag buksan niya ako nang pinto. Agad pumulupot ang kamay nito sa bewang ko. Hindi kami pumunta sa restaurant nila, dumaan kami sa gilid. Agad kong napansin ang tree house ni Tasha.


"Na miss ko dito," sambit ko.


Inalalayan niya akong makaakyat sa tree house niya. Wala namang bago, maliban sa pagkaing nakahanda sa gitna. Tinignan ko siya saka ngumiti ng matamis sa
kanya.


"Ikaw nagluto?" tanong ko sa kanya, it's all Filipino dish.


"Yeah,"


Bigla akong natakam! Sa itsura pa lang ay masarap na ang mga pagkain na nakahanda sa maliit na mesa.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now