15

158 9 0
                                    

Chapter 15

   Tanging music lang ng sasakyan ang nagsisilbing ingay sa loob. Gustuhin ko man siyang lingunin ay hindi ko magawa, baka mamaya ay kung ano pa ang isipin niya.

"Where did you sleep last night?" bahagya pa akong napatalon sa pagkakaupo ng bigla siyang mag salita. Ang hilig niya talagang mang bigla.

"Sa bahay ni Adelaida," simpleng sagot ko.


"I thought you already move in," aniya, hindi ko na tuloy napigilan ang lingunin siya. "Bakit?" gusto kong takpan ang bibig ko nang iyon ang lumalabas, bakit sa dinami daming salita ay iyon ang lumabas sa bibig ko? Damn!

"Wala naman," aniya, kinagat ko ang ibabang labi ko.


Tumingin ako sa labas, nakahinto ang sasakyan dahil sa trapik. Sinilip ko ang cellphone ko at wala man lang akong natanggap na message kay Ade, kung sabagay, nagmamaneho siya.


Tinignan ko si Andres ng may abutin siya sa likod ng sasakyan, may kinuha itong maliit na paper bag, ipinatong niya ito sa kandungan niya. Kulay pula ito, ano naman kaya ang laman niyan? Iniwas ko ang tingin ko ng may ilabas siyang isang maliit na kulay pulang box, pero napansin ko na binalik niya iyon sa loob ng paper bag saka binalik ulit sa likod.


Ano namang ginagawa niya? Ano kayang mayroon sa loob ng box, usually ang laman ng mga ganoong box ay singsing, kwintas or bracelet. Kanino naman niya 'yun ibibigay? E, ano namang pake ko?


Muli ko siyang sinulyapan, tinanggal nito ang dogtag na suot niya, hindi ko maaninag kung may nakasulat doon. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya ng tumingin siya sa akin.

"Jade," aniya, mabilis ko siyang nilingon. Kumunot ang noo ko nang iabot niya sa akin ang dogtag na suot niya.

"A—no?" nauutal kong tanong sa kanya. Shit! Bakit niya inaabot sa akin iyan? Ibibigay niya ba? Bakit naman?

Bakit ang tagal umusad ng mga sasakyan?!


"I just wanna give this to you," aniya, nanatiling nakalahad ang kanyang kamay sa aking harapan. Bakit? Para saan?


"Pa—ra saan?" kinakabahang tanong ko.


Mabilis akong napasandal sa upuan ng bigla siyang lumapit sa akin, natunugan ko ang pag ngisi niya. Na conscious ako bigla sa amoy ko! Pinagpawisan pa naman ako kanina. Inayos nito ang dogtag at siya na mismo ang naglagay no'n sa leeg ko, nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Nakatingin ito sa aking mga mata, hindi ko kayang iiwas ang aking tingin kahit sinasabi ng isipan ko na iiwas ito. Para bang may pinahihiwatig ang kanyang mga tingin na hindi ko matukoy.

"A—


" You will know the reason soon,"nakangiting sabi nito na nagpalaglag ng panga ko, first time ko siyang nakitang ngumiti, ngiti mismo hindi ngisi! He tapped my head bago siya umayos ng upo na parang wala siyang ginawa. Ang hilig niya talagang gumanyan!

Kinapa ko ang dogtag na nasa leeg ko, hindi ko alam ang reason kung bakit binigay niya sa akin ito.


"It's suit to you," aniya habang nakatingin sa dogtag na nasa leeg ko.


"This is yours, bakit mo binibigay sa akin?" tanong ko sa kanya, hindi niya ako sinagot, pinaandar niya ang sasakyan ng magsimulang umusad ang mga sasakyan na nasa harapan namin. I guess, hindi ako makakakuha ng sagot mula sa kanya.

Pero, bakit nga!?


Mabilis na umusad ang sasakyan kaya naman nakarating kami agad sa bahay, maayos niyang pi-nark ito ng buksan ng guard ang malaking gate. Pagpark ng sasakyan ay lumabas na ako, pakiramdam ko ay sobrang sikip sa loob ng sasakyan at ngayon lang ako nakahinga ng maluwag.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now