27

156 9 5
                                    

Chapter 27

   Maaga pa lang ay mulat na ang aking mata, agad akong kumilos ng makita ang oras. It's already 7 in the morning. Mamayang alas diyes pa ang pasok ko. Nag-asikaso na ako ng sarili bago lumabas ng kwarto, naabutan kong nagluluto si Alfred sa kusina samantalang si Ade naman ay nanonood sa sala.

"Good morning," aniya


"Ang aga mo a," puna ko sa kanya.


"I have class at 10 kaya maaga akong nagising." sagot ni Ade.


"Talaga? 10 din ang pasok ko,"



"Isasabay sana kita pero alam ko naman na may kasabay ka," mahina nitong sabi pero narinig ko pa rin.


"No, hindi ko siya kasabay, Ade. He have a class today." sabi ko, alas sais ata ng umaga ang pasok ni Andres ngayon so it means na nasa school na siya.

"Talaga?" tanong nito, tumango ako. "Edi sabay tayo," aniya.

Pinuntahan ko si Alfred sa kusina, tahimik lang itong nagluluto. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si Ade tungkol sa kanilang dalawa. Ano bang nangyari sa kanilang dalawa? Ba't bigla na lang silang hindi nagpansinan?


"You ok?" tanong ko, nagulat pa ito dahil sa tanong ko.



"Hey," nakangiting sabi niya. Muka pa siyang nagulat sa presensya ko. Masyadong malalim ang iniisip niya.


" Do you have a problem, Alfred?"marahan kong tanong sa kanya, umiling ito sa akin saka pinagpatuloy ang kanyang pagluluto.


" Anong problema nyo ni Ade?"diretsong tanong ko, napahinto ito sa pagluluto saka humarap sa akin. Binigyan niya ako ng isang mapait na ngiti, may problema nga sila!


" Wala naman," bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya, akala ko naman ay sasabihin niya na! Pabitin pa siya a.


Hindi ko na nagawang tanungin si Ade, di bale...mamaya ay sabay naman kaming papasok kaya doon ko na lang siya tatanungin. Hindi katulad dati ay tahimik kaming kumakain ngayon ng agahan, kating-kati na akong tanungin sila pero pinipigilan ko ang sarili ko. Bakit ba bigla na lang silang hindi nagpapansinan? Kailan pa ito nagsimula?


Pagkatapos kumain ay pumasok ng kwarto si Ade, tinignan ko si Alfred na inuumpisahan ng linisin ang pinag-kainan namin. Tinulungan ko siyang ayusin ito.


"Ako na ang maghuhugas," sabi ko.

"Hindi na, maaga ang pasok nyo kaya ako na."malungkot na ngiting sabi nito sa akin, tumango na lang ako sa kanya at pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang bag ko at sandaling inayos ang sarili ko. Paglabas ko ay nag-aantay na si Ade sa akin.


"Tara na," aniya.


Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa makalabas na siya ng unit. Bumuntong hininga ako saka sinulyapan si Alfred na naghuhugas.



"Una na kami," paalam ko.


"Sige, ingat kayo." aniya. Binigyan ko siya ng isang ngiti bago sundan si Ade.



"Anong problema nyo ni Alfred?" tanong ko agad sa kanya ng makasakay kami sa elevator.


"Huh? Wala naman," aniya, iniwas niya ang kanyang tingin sa akin. Hindi talaga siya marunong na magsinungaling.

"Don't me, Adelaida. Bakit hindi kayo nagpapansinan?" Pangungulit ko sa kanya.


Pinatunog nito ang sasakyan niya ng makarating kami sa parking. Sumakay ako sa front seat ganoon din ang ginawa niya. Kinabit ko ang seat belt ko at maayos na umupo.

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now