60

183 8 0
                                    

Chapter 60

   Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa mga papel na nasa harapan ko, tinignan ko ang oras. Alas singko na nang hapon, nararamdaman ko na ang gutom. Nakalimutan ata ako ni Samantha dito at hindi ako dinalhan ng pananghalian.

Tumayo ako at nag unat ng kamay, tinignan ko ang tatlo na natutulog. Naol nakatulog na, inaantok na ako pero hindi pa ako pwedeng matulog. Atleast tapos ko na ang mga papel na ito, meron pa kaya bukas?

Naglakad ako papunta sa pintuan para buksan ito, isang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin, madilim na rin ang kalangitan pero marami pa rin ang nasa labas. Pinikit ko ang aking mata at dinamdam ang simoy ng hangin. Ang sarap, panandaliang nawala ang pagod ko.

Pagdilat ko ng mata ko ay napatalon ako sa gulat ng makita si Andres na nakatayo habang ang paningin ay nasa akin, napatingin ako sa hawak nito. Naglakad ito papunta sa akin dahilan para mapaatras ako papasok sa loob.

"A--anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kanya, kung kanina ang suot niya ay itim na damit at black pants ngayon ay naka sandong puti na siya at blue na board shorts. Mas nakakadistract na ang biceps niya, mas lumaki! Madalas siguro ang gym niya, kahit no'n pa man. Suki na siya ng gym.

"You didn't eat your lunch," aniya, tinaas nito ang tupperware na hawak. Ano naman kung hindi ko kinain?

"I---

Naputol ang sasabihin ko nang diretso itong naglakad papasok sa loob. Teka, inimbitahan ko ba siya? Tinignan ko ito at agad ng lumapit sa kaniya ang tatlo. Nilapag nito ang pagkain tupperware sa mesa, pinanood ko siyang ayusin ang mga papel na nakakalat sa mesa.

"What do you think you're doing?" tanong ko sa kanya, natigilan ito pero hindi man lang ako pinansin. Hinayaan kong nakabukas ang pinto saka naglakad palapit sa kanya.

"Andres!" bakit ba hindi niya pinapansin ang sinasabi ko sa kanya? Medyo nakakainis na siya a!

"What?" mahinang tanong nito. Naiinis ba siya? He sounded mad.

"Ano'ng ginagawa mo?" muling tanong ko sa kanya. Nang matapos na siyang ayusin ang mesa ay saka ito tumingin sa akin. Umayos ito ng tayo, nadagdagan ata ang tangkad niya a!

"Hindi ka pa kumakain." aniya, bumilis ang pagtibok ng dibdib ko dahil sa sinasabi niya. Fuck! Bakit pakiramdam ko ay may pinahihiwatig siya?

"Where's Sharmaine?" tanong ko sa kanya, nakita ko ang pagkunot ng noo nito. Hindi inaasahan ang tanong ko.

"I don't know," aniya, umangat ang isang kilay ko. Hindi niya alam? Paanong hindi niya alam kung nasaan ang fiancé niya, pwede ba 'yon?

"You should go back to her." diretso kong sabi sa kanya. Kapag nagtagal pa siya dito ay masisira ang plano kong kalimutan siya!

"What? Why should I go back to her? Hmm?" bahagya akong napaatras ng maglakad ito palapit sa akin. Amoy na amoy ko na ang mabango niyang amoy!

Hindi ko alam ang sasabihin ko, bakit nga ba siya babalik doon? Teka nga, fiancé niya iyon 'di ba? Dapat ay nasa tabi siya ni Sharmaine.

" A---no - -

" Why, Amarine Jade? Hmm?" pinikit ko ang mata ko ng marahan niyang haplusin ang pisngi ko. Ramdam ko ang panggigilid ng luha ko, sobrang miss ko na siya! Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Pero kasalanan ito hindi ba?

" You're already engaged." diretsong sabi ko sabay dilat ng mata, bumagsak ang nakahawak nitong kamay sa aking pisngi. Seryoso ang tingin nito, may kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Hindi niya tinanggi? Ibig sabihin ay totoo, sa kanya na mismo nanggaling!

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now