16

152 10 0
                                    

Chapter 16

  Pinasadahan ko ng huling tingin ang kwartong tinutuluyan ko bago lumabas bitbit ang mga gamit ko. Ito na ang araw na lilipat ako sa condo ni Ade, mamaya din ay kukunin ko na ang schedule ko sa UP.


"Let me," mabilis kong nilingon si Andres, kinuha nito ang maleta ko at siya na ang nagbaba, nagkibit balikat na lang ako saka sinundan siya.


"Salamat," sambit ko ng tuluyan kaming makababa.


"Welcome," aniya, nginitian ko siya ng tipid bago pumunta sa kusina kung nasaan si mama, nilagay ko sa gilid ang gamit ko saka nilapitan siya.


"Kumain ka na muna," aniya sa akin, umupo ako sa mataas na upuan at pinapanood siyang asikasuhin ang pagkain ko.


"Huwag kang pabigat kay Ade, Amarine." paalala ni mama sa akin, sumimangot naman ako sa kanya bago kunin ang pinggan na may lamang kanin.

"Hindi naman ma," sabi ko. Gusto ko sanang i-open sa kanya na maghahanap ako ng trabaho pero nababahala ako, hindi ko pa rin naman alam ang schedule ko kaya hindi ko na muna sasabihin sa kanya.


"Umuwi ka tuwing weekends dito," aniya, tinabihan niya ako ng upo saka kumain. Ngayon ko lang ata siya nakasabay sa pagkain, dahil madalas ay nauuna siya sa akin. Hindi niya man lang inaantay, hmp!

"Opo, kapag hindi ganoon ka busy ang schedule ko, uuwi ako."sabi ko. Nakita ko ang pag-tango niya sa akin.

" Anong oras ka susunduin ni Adelaida?"


" Mga 10 po ata," alas nueve pa lang ng umaga.


Nginitian ko si Alfred ng makita ko itong lumabas ng kwarto, may dala din siyang maleta at isang back pack na nakapatong sa maleta niya.


"Good morning," nakangiting bati niya.


"Morning," sambit ko.


Tumayo si mama para asikasuhin ang pagkain ni Alfred, tinignan ako nito pero nagkibit balikat na lang ako sa kanya. Tumabi nalang siya ng upo sa akin habang inaantay ang pagkain niya.

"Salamat po," sabi ni Alfred ng ilapag ni mama ang pinggan sa harapan niya.


"Buti na lang at narito ka Alfred, may kasama ang dalawa," sabi ni mama. Pasimple kong tinignan si Alfred, may ngisi na ito sa kanyang labi.


"Huwag lang kayong gagawa ng kalokohan doon," muli na namang paalala ni mama.


"Ma naman," sabi ko sa kanya.


"Kilala kita, Amarine. Lalo na ang bago sa pakiramdam mo," sumimangot ako ng marinig ko ang mahinang tawa ni Alfred. Pinapahiya ako ni mama. Nakakainis si mama.


Pagkatapos naming kumain ay si Alfred na ang nagpresinta na maghugas ng pinagkainan, pinapunta ako ni mama sa kwartong tinutuluyan nila.


" Bakit, ma?" tanong ko sa kanya.


Inabot niya sa akin ang sobreng puti na ipinagtaka ko, para saan naman ito?


"Ma, para saan ito?" tanong ko sa kanya.


"Pandagdag gastusin mo doon, huwag kang masyadong umasa kay Ade kahit alam kong hindi mo kailangan."


"May pera pa naman po ako dito," sabi ko.


"Ah, basta. Marami kang kailangang bilhin na gamit kaya kunin mo iyan," ngumuso ako kay mama saka yumakap sa kanya. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran at marahan niyang hinahaplos ang aking buhok.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now