52

127 9 1
                                    

Chapter 52

   "Amarine Jade!" Naiinis na sabi ni Adelaida sa akin.

Ngumuso ako kay Adelaida. Ngumiwi ito sa akin, hinarap niya ako sa salamin. Inumpisahan niyang ayusin ang buhok ko.


"Curly or straight?" tanong niya.


"Curly," sagot ko.


Kahapon ay ginupitan ko ang buhok ko kaya hanggang ibabang balikat na lang ang haba nito, may highlight din ito na kulay brown. Pwede naman ang kulay ng buhok sa UP.


"Huwag ka ngang bumusangot diyan,"mahinang binatukan niya ako.


" Kinakabahan ako," nakangusong sabi ko sa kanya.



" Natural lang 'yan, basta huwag mong kalimutan ang script mo."aniya.


Kinuha ko ang script ko na nasa bulsa ng dress ko, nakasuot ako ng puting dress, pa backless ang design nito at hanggang tuhod ang haba.


" Ang haba a,"


" Hindi ko naman lahat ito babanggitin," sabi ko sa kanya.


" Alright, you look pretty na."


Si Ade ang nag asikaso sa akin, mula sa make up, sa ayos ng buhok pati na rin sa damit na susuotin ko ay siya na ang nag asikaso. Mauuna lang ang graduation namin kesa sa kanila. Next week pa kasi ang graduation nila.


Napatingin ako kay Lee ng dilaan niya ang paa ko, umupo ako at hinaplos ito. Gusto ko sana siyang buhatin pero baka mamaya ay ihian niya ako. Wala akong ekstrang damit! Puti pa naman ang kailangan.


"Si Fur at Boo nasa bahay nyo para may magbantay," sabi ni Ade sa akin.

"Isasama mo si Lee?" tanong ko, Lee is already eight months old. Siya lang ang natirang anak nila Fur dahil ang iba ay napamigay ko na.


"Oo," sagot nito.


"Tara na,"


Nauna na sila mama sa school kaya sabay kami nila Alfred na pupunta doon. Ngumiti si Alfred sa akin ng magtama ang paningin namin, ang gwapo niya sa suot niyang white long sleeve polo at black pants.

"Naks, ang ganda natin a," puri niya. Nag hair flip ako sa kanya.


"Tsh, yabang mo. Tara na nga." mahina kaming natawa ni Alfred.


Si Kian ang magmamaneho ng sasakyan ni Ade, dalawa kaming nasa likod ni Alfred habang sila naman ang nasa harap.


Nilabas ko ang cellphone ko at kumuha ng litrato, nilagay ko ito sa IG story ko.

" Nervous..."


"Gandahan mo ang accent mo mamaya a," sabi ni Alfred sa'kin. Ngumuso naman ako sa kanya.


"Kinakabahan kaya ako," sabi ko sa kanya.


"Sila Trish daw nandoon na," mas lalo tuloy dumagdag ang kaba ko. Anong ginagawa ng mga atenean sa UP? Bakit sila pumunta!!


Umayos ako ng upo saka tumingin sa labas, ngumiti ako. Napatingin ako sa eroplanong dumaan. Bahagya pa akong natawa ng maisip na si Andres ang nakasakay doon at pupunta siya sa graduation ko.


Kamusta na kaya siya?


Hinawakan ko ang kwintas na binigay niya, ni minsan ay hindi ko ito tinanggal sa leeg ko, pati ang singsing na nasa kamay ko.

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now