05

252 13 0
                                    

Chapter 05

   Maaga pa lang ay dilat na ang aking mga mata. Umupo ako at inunat ang dalawang kamay, ang sarap sa pakiramdam. Ang ganda ng gising ko ngayon. Tinignan ko ang bintana kung saan sumisilip na ang araw. Anong oras na ba?

Ngayong araw na kami maghahanap ng school. Hindi ko pa nakikita ang anak ni ate Nena dahil anong oras na kami nakauwi ni Adelaida kagabi, oo inabot kami ng gabi dahil nag aya pa siyang magtagal sa mall. Sa mall na rin kami kumain ng hapunan. Buti na lang at hindi nagalit si mama sa akin.

Naligo na ako at nagsuot ng formal na damit. Hindi ko alam kung saan kami magpapa enroll. May dream school ako pero alam kong hindi mangyayaring makapag-aral ako doon.

"Good morning ma," napatingin sa akin si mama. Dumako ang tingin ko sa orasan. Alas diyes na ng umaga. Usapan namin ni Adelaida ay alas otso. Filipino time talaga.

"Mag almusal ka na," aniya.

Tapos na bang kumain ang dalawa? Hindi ko nakikita ang mag-asawa dahil hindi sila madalas umuuwi rito. May bahay silang mas malapit sa trabaho nila, buti hindi nagrereklamo ang mga anak nila? Kung sabagay, madalas din na wala sila rito.

Umupo na ako, pinagsilbihan naman ako agad ni mama. Napatingin ako sa gilid ng may isang lalaking lumabas doon, bagong ligo ito. Nag-tama ang paningin namin, ngumiti ito kaya ngumiti rin ako sa kanya. Eto na ata ang anak ni ate Nena na sinasabi nila.

"O, Alfred, ayan na pala si Aj." nakasunod na sabi ni ate Nena sa anak.


"Magandang umaga," sabi nito sa akin.


"Magandang umaga din," sambit ko.

Matangkad siya. Messy ang medyo mahaba niyang buhok pero bumagay sa kanya, matangos ang kanyang ilong habang mapupungay naman ang kanyang mga mata.

"Sumabay ka na kay Aj, Alfred." sabi ni mama sa kanya.

Umupo ito sa harap ko, inasikaso na rin siya ni mama. Napatingin ako sa cellphone ko na nasa gilid, tumunog ito at nakita ko ang pangalan ni Adelaida.

"Bakit?" sagot ko sa tawag.

" Nasaan ka na?" tanong nito. Kung makapagtanong ay akala mo ay nakahanda na.

" Kumakain pa lang ako ng almusal,"sambit ko.


" Wow, Jade. Alas otso ang usapan, anong oras na!" napatingin ako sa kaharap ko, nakasulyap ito sa cellphone ko.

" Bakit, bihis ka na ba?"matagal bago ito nakasagot, ngumisi ako.

" Tsh, papunta na ako." hindi niya na ako inantay na makasagot at basta na lang binaba ang tawag. Napailing na lang ako.

" She's my cousin, sasama siya sa atin mamaya."sabi ko sa kanya.

" Ha? A, sige." mukang naiilang siya sa akin. Bakit?

" Good morning, Aj. " napatingin ako sa babaeng bagong dating, bagong ligo ito. Mukang may pupuntahan ah. Nakita ko rin na nakasunod si Andres sa kanya, agad kong iniwas ang tingin ko ng mag tama ang paningin namin.

Bakit biglang ganito ang nararamdaman ko? Bakit biglang bumilis ang pintig ng dibdib ko? Anong meron?

"Good morning, kain tayo?" aya ko sa kanya.

"Sa labas kami kakain ng almusal," aniya sa akin.

"Ah, haha." awkward na sabi ko sa kanya. Edi sila na sosyal.

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now