13

196 10 1
                                    

Chapter 13

    
Hindi ko alam kung ilang minuto na silang nag aantay sa akin. Ano ba kasing alam ko dito?

"Aj, he's waiting."mahinang sabi ni Alfred sa akin, tinignan ko si Andres na nakatingin lang sa akin. Katabi nito ang lalaking nag-aasist sa amin. Nakakahiya!

"Ano ba kasing alam ko sa mga ito?"bulong ko sa kanya, para kaming tangang nagbubulungan dito.

"Just choose one, ang tagal natin dito,"aniya. Napabuga na lang ako sa hangin. Bakit ba kasi ako ang pinapapili niya? Ang hilig niya akong idamay sa mga ganito.

Napatingin ako sa 32 inches na TV na nasa harapan ko, masyadong nakakalula, parang 'yong presyo nakakalula.

" Is that one?"tanong ni Andres sa akin, dahan dahan akong tumango sa kanya. Eto na lang, he don't mind the price naman e.


" Alright, I'll take that."sabi nito sa katabing lalaki, tumango naman ito.

" Atlast, "mahinang sabi ni Alfred.

" Masyadong mahal,"sabi ko.


"He don't mind the price, Aj. Look, hindi niya man lang tinapunan ng tingin ang presyo."aniya, nagkibit balikat na lang ako sa kanya.

Namili pa siya ng aircon, refrigerator, oven toaster at coffee maker. Buti na lang at hindi niya na ako pinapili. Nanatili lang kami sa likuran nya habang namimili, wala talaga siyang pakeelam sa presyo. Ang total ata ng pinamili niya ay ilang taong sahod ni mama.

Grabe!


"Black card, 'di ba sobrang daming laman non?" mahinang tanong sa akin ni Alfred, nasa cashier na si Andres habang inaabot ang black card sa sales lady na nagpapa cute sa kanya.

"Oo," sabi ko.


"Make sure to deliver that tomorrow," sabi ni Andres sa kanila.

"Yes sir,"

Humarap sa amin si Andres, he raised his eyebrow to me kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Parang may ginawa na naman akong mali sa kanya, a!


"You hungry?" tanong nito sa akin, mahina kong siniko si Alfred ng marinig ko ang mahina niyang pagtikhim.


"Ha? Hindi pa naman," pagsisinungaling ko.


"Where do you want us to eat?" muli na naman niyang tanong. Bakit ba palagi na lang ako? Nakakainis na a!

"Pupunta ka kila Adelaida 'di ba?" mahinang tumango ako.

"Ahm, it's up to you sir," formal na sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pag-igting ng panga nito.

"Let's go," seryosong sabi nito, mabilis na tumalikod ito sa amin at naglakad na palabas ng store.


"Ginalit mo," sabi ni Alfred sa akin habang nagpipigil ng tawa.


"Magtigil ka nga, tara!"


Mabilis naming sinundan si Andres. Nang medyo malapit na kami sa kanya ay binagalan namin ang paglalakad. Hindi ko pinapansin ang pang-aasar ni Alfred sa akin. It's already 4 in the afternoon, may tatlong oras pa ako bago pumunta sa bahay nila Ade.

Pumasok si Andres sa mamahaling restaurant, nagkatinginan kami ni Alfred at sabay na nagkibit balikat. I guess he will treat us.

"Do you have a reservation sir?" tanong ng guard kay Andres.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now