38

140 5 2
                                    

Chapter 38

   Pagdating namin sa cafeteria ay agad kaming naupo. Kinuha ko ang panyo ko para punasan ang noo ko, ngayon lang ako pinagpawisan ng ganito. Ang init!


"Buy us a drink," sabi ni Rachel kay Seb, inismiran nito si Rachel bago tumayo, hindi ako nakapag react ng hilahin niya ako patayo papunta sa counter.


"Wow," irap matang sabi ko sa kanya, sinabit nito ang kanyang kamay sa aking braso.


"Bakit? May angal ka?" umiling na lang ako sa kanya.


Hindi mahaba ang pila kaya agad kaming nakabili ng pagkain. Tig-isa kami ng tray na hawak, agad kinuha ni Dominique ang tray na hawak ko, ngumiti ako ng tipid sa kanya.


"Bayad, nasaan ang bayad nyo?" singil ni Seb sa kanila, umupo ako sa tabi ni Rachel ay kinuha ang inorder kong pagkain.


"Ang sabi ko drinks lang e, bakit may pagkain?"


"Edi huwag kang kukuha," sabi ni Seb sa kanya, tinampal ni Seb ang kamay ni Rachel ng kukuha ito ng tinapay.


"Tama na nga 'yan," sabi ni Dominique sa kanila.


"Ilan na lang kailangan natin?" tanong ko, binuksan ko ang c2 na binili ko saka tinungga ito.


"Tatlo na lang," sagot ni Marvin.



" May kakilala ka sa engineering department 'di ba?" tanong ni Rachel sa akin, agad naman pumasok sa isipan ko si Alfred, oo nga pala!


"Oo, meron. Teka."


Nilabas ko ang cellphone ko, hindi ko kabisado ang schedule ni Alfred, sana ay vacant time niya ngayon. Di-ni-al ko ang number niya, isang ring lang ay sinagot niya na ang tawag.


"Yes, Aj?" tanong nito, tingin ko ay nasa cafeteria siya, maingay kasi ang background niya.


"Busy ka?" tanong ko, sinulyapan ko ang mga kaibigan ko na nag-aantay sa akin.



"Hindi naman, vacant namin ngayon. Tatlong oras," sagot nito.


"Ilang oras ba vacant natin?" tanong ko sa kanila.


"Dalawa na lang," sagot ni Dominique.



"Ahm, pwede puntahan ka namin diyan? For interview sana, alam mo naman iyon 'di ba? Tatlo na lang kasi kulang namin."


"Sure, Aj. No problem, alam ko na rin topic nyo," mahina akong natawa. Lahat naman kasi ay sinasabi ko sa kanila.


"Ako na ang pupunta diyan, wait. Otw na ako."



"Alright, salamat." nakangiting binaba ko ang tawag, nagbigay ako ng thumbs up sa mga kaibigan ko. Ngumiti naman sila sa akin.


"Si Andres din isama natin," sabi ni Marvin sa akin, marahan akong umiling habang nakanguso. "Hindi ko sure. Tsaka...huwag na! Baka bilang lang sa daliri ang isasagot non." sabi ko sa kanila.


"E, sino 'yong dalawa?" tanong ni Rachel sa amin.


" Si Marvin! May ex siya sa engineering department, iyon na lang." sinamaan ng tingin ni Marvin si Seb, tumawa naman si Dominique. Ok, kaming dalawa lang ni Rachel ang hindi maka relate.


"Talaga ba, Seb?"


"Bakit? Wala ba? Si Tamara, 'di ba nasa engineering department siya?" kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko. Naiinis na si Marvin sa kanya! Alam kong nahahalata na iyon ni Seb kaya naman patuloy pa rin ito sa pang-aasar sa kanya.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now