09

191 11 0
                                    

Chapter 09

    Mulat pa rin ang parehas kong mata kahit ala una na nang madaling araw. Hindi ko alam kung nakailang ikot na ba ako dito sa higaan. Hindi ako makatulog! Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kahapon.


   Alas singko na nang hapon ng makauwi kami galing sa BGC, nanatili sa kandungan ko si Fur, hindi ito umalis o naglikot man lang simula nang bumyahe kami pauwi. Hindi na rin kinuha ni Andres si Fur sa akin. Nagkayayaan na mag ikot ikot kanina bago umuwi, hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil hindi ko alam ang lugar.

"Ang saya kanina," sabi ni Tasha, nilingon ako nito, nginitian ko siya. Kahit hapon na ay hindi man lang siya nag mukang haggard. Ako, hindi ko alam. Hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon kanina na mag cr man lang para tignan ang sarili ko. Buti na lang at hindi mabilis mawala ang amoy ng pabango na i-ni-spray ko sa katawan ko kanina.

"Oo nga e," sagot ko.


"Ang boring mo kasama, Andres. Paano kapag nagkaroon ka na ng girlfriend niyan? Tahimik ka lang?" napatingin ako kay Andres ng itanong iyon ni Tasha sa kanya. Ilang letra lang ata ang narinig ko kay Andres kanina, hindi siya palasalita, wala pa laging emosyon ang kanyang mukha. Lagi lang nakapoker face.

" And?"

Dapat pa sigurong magpasalamat ang kakausap sa kanya kahit na ang tipid niyang sumagot. Mahal ata ang pag kakausap sa kanya e. Bigla kong naalala ang nangyari kanina. He talked to me first! Mabilis kong iniling ang ulo ko. Hindi, hindi ko dapat bigyan ng malisya ang kilos niya.

"See," ngiwing sabi ni Tasha sa kanya.  Humarap si Tasha sa akin, nakahinto ang sasakyan dahil sa trapik.


"Am I right, Aj, 'di ba? Ang boring niyang boyfriend," nabigla ako ng itanong ni Tasha sa akin iyon. Bakit dinadamay niya na naman ako sa sitwasyon nila?

"Ah—

" See, pati sa Aj ay sumasang ayon sa akin," putol nito sa sasabihin ko, napalunok ako ng mariin ng lumingon sa gawi ko si Andres at inangatan ako nang kilay. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. Shocks! Para akong aatakihin sa kaba!


" Nagka boyfriend ka na ba, Aj?" tanong ni Tasha sa akin.



Bakit ba ganyan ang mga tanungan niya?  Naiilang tuloy ako.


"Hindi pa," pag amin ko. Nakita ko ang pag-awang ng bibig niya. Hindi makapaniwala. Iyon naman ang totoo.


"Seryoso? Sa ganda mong 'yan wala pa?" paninigurado nito, umiling lang ako.


"Pero may nanliligaw sa'yo?" tanong na naman niya.



"Meron," mahinang sagot ko. Bakit ba naiilang ako!


"Ah, si ate Kristina ang problema 'no? She didn't allowed you to have a boyfriend."aniya.


" Hindi naman, ayos lang naman kay mama. Pero, hindi ko lang alam kung bakit hindi ko sila sinasagot. "sambit ko.


"You're not ready in commitment. "aniya.


" I guess."sambit ko.



Nagkaroon naman ako nang crush. Pero ni minsan ay hindi ko ginawa ang magpapansin dito gaya ni Ade, masaya na ako na nasusulyapan siya o nakakausap man lang. Maybe, Tasha is right. Hindi pa ako handa.

Saktong alas sais ng huminto ang sasakyan sa tapat ng gate nila. Bumusina si Andres, nagmadali naman ang guard na buksan ang malaking gate. Maayos niyang pi-nark ang sasakyan sa tabi nang isang puting van. Bale, apat na sasakyan ang nasa garahe nila ngayon. Hindi pa kasama ang sasakyan na ginagamit ng magulang nila.


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now