Chapter 03
Tahimik akong kumakaing mag isa habang naglilinis si mama sa kusina. Isang linggo na ako dito sa maynila, isang lingo na rin akong naboboring. Tumutulong naman ako sa gawaing bahay pero pinipigilan nila ako. Lalo na si mama. Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko. Napanood ko na ata ang mga pending movies ko, naki-connect kasi ako ng wifi, ang sabi ni mama ay nasa kwarto daw ni Andres ang pinakamalapit sa akin. Kaya malakas ang wifi.
"Tapos ka na?" tanong ni mama sa akin.
"Hindi pa po," sabi ko.
"Kailan darating si Adelaida?" muling tanong nito.
"Next week na,"sagot ko.
" Antayin mo na lang siya, " aniya, hindi na ako nag salita.
Pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Alas diyes na nang umaga, tinanghali ako nang gising dahil anong oras na ako nakatulog. Maybe I should enjoy this, baka kasi pag nag aral na ako ay hindi ko na magawa ito. I heard, magiging busy kapag nagkolehiyo ka na. You can't find time to watch your favorite movies, dramas, series, or you can't read your favorite books. Iyon ang sabi nila.
Pagtapos ay pumunta ako sa sala, hindi ko naabutan ang mag-asawa dahil maaga daw itong umaalis para sa trabaho. Nalaman ko din na baka ngayong linggo na uuwi ang kambal nilang anak. Bigla tuloy akong kinabahan, baka hindi ko na magawa ang mga ginagawa ko ngayon. Nasa iisang floor lang din ang kwartong tinutuluyan namin, hindi naman siguro sila masungit 'di ba?
Nakipaglaro ako kay Fur, siya lang kasi ang pwedeng pumasok dito sa loob. Ang dalawa ay nasa labas, nagsisilbing bantay sa gabi. Minsan naman ay pumapasok sila dito sa loob pero hindi nagtatagal.
"Come here, fur!" tawag ko sa aso. Agad itong lumipat, she's starting to lick my hand. I giggled.
"Ang cute mo talaga!" sambit ko.
Umupo ako sa carpet at nakipaglaro sa kanya. Para akong batang natutuwa habang pinapahabol sa kanya ang laruan nyang bola. Ihahagis ko ito at ibabalik niya sa akin.
"Na trained ka ng amo mo, ang galing mo e." puri ko sa kanya sabay himas sa ulo. She barked then licked my hand again.
Muli kong hinagis ang laruan niya. Hindi niya ito nakuha dahil gumulong ito pailalim sa isang cabinet na lagayan ng mga frames. Napanguso ako.
" Hagis ko, ako ang dadampot?"nakangusong tanong ko sa kanya, tumahol ito. Pinilit kong itayo ang sarili ko para kuhanin ang bola niya.
" Di ko maabot a!" sabi ko sa kanya habang inaabot sa ilalim ang bola, nasa tabi ko lang siya, nag aantay sa kanyang laruan.
Nang makuha ko na ang bola at iaabot na sana sa kanya ay may isang pares ng sapatos akong nakita. Kulay itim ito, dahan dahan kong iniangat ang tingin ko. Isang lalaki ang nakakunot ang noo sa akin, he's holding fur! Nang mapagtanto ko ang posisyon namin ay agad akong tumayo.
Napalunok ako ng makita kung gaano ito katangkad. Hanggang balikat niya lang ata ako. Matangkad na ako para sa edad ko a.
"O, hi? Who are you?"napatingin ako sa babaeng nasa gilid niya. Nahiya ako bigla sa suot ko. She's wearing a black tube dress na pinatungan ng itim blazer sa kanyang balikat. Samantalang ako ay pants at malaking puting damit lang, susko! Sino ba sila?
" Nandiyan na pala kayo!" narinig ko ang boses ni mama sa likuran nila, lumingon ang dalawa sa kaniya.
"Long time no see, ate." sabi nang babae sa kanya.
YOU ARE READING
Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed)
Romance"It's rare to meet a man who is straightforward to tell his feelings to a woman he likes." Aj says to herself. For her, Andres is a man who will tell you what he really wants to say. Even if you are hurt or not. She doesn't know how to handle this k...
