32

151 6 0
                                    

Chapter 32

   Iniunat ko ang parehas kong kamay, agad akong nag peace sign kay Adelaida ng matamaan ko siya sa kanyang mukha.

"Masakit iyon a," reklamo nito sa akin.

"Edi sorry, sadya." akmang hahampasin niya ako ng unan ng mabilis akong tumayo. Binelatan ko siya, umirap siya sa akin.

"Pumasok ka na nga," inis na sabi nito sa akin, palibhasa ay meron kaya ang daling mapikon.


"Red days," pang-aasar ko.


Tumawa ako ng malakas ng tumayo ito at tumakbo papunta sa akin, agad kong binuksan ang pinto para makalabas pero napatigil ako ng makitang nakatayo doon si Andres.


"Aray!" reklamo ko kay Adelaida ng hampasin niya ako sa likod, ang sakit!


"Hi, Andres. Papansin kasi itong jowa mo e," sabi nito kay Andres, inirapan ko siya at tinulak na papasok sa loob. Narinig ko pa ang tawa nito bago tuluyang masara ang pinto.

"Let's go?" aya niya, tumango ako.


"Hindi mo naman kailangang ihatid ako ngayon, maaga pasok mo 'di ba?" tanong ko.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa elevator.


"No classes," mabilis ko siyang nilingon. "Weh?" tanong ko, tumango ito. Nilabas niya ang cellphone niya at pinakita ang text ni Aivan sa kanya.


"Sige," sambit ko. Naniniwala naman ako sa kanya.

May dalawang babae kaming kasabay sa loob ng elevator, madalas ko rin nakikita itong dalawang ito. Base sa ID na suot nila ay taga Ateneo sila. Edi nakikita nila si Andres doon?

Napatingin ako kay Andres ng hawakan niya ang kamay ko, umangat ang kilay nito sa akin, ngumiwi naman ako sa kanya. Simula ng sabihin niya sa akin na manliligaw siya ay mas naging clingy siya kahit na may ibang tao, hindi naman sa ayaw ko. Hindi lang ako makapaniwala dahil masungit ang aura niya.

"Nag breakfast ka na?" tanong nito.


"Oo, kanina. Bago umalis si Alfred ay nagluto na siya." he nod.


Agad niyang pinatunog ang sasakyan niya ng makarating kami sa parking. Binuksan niya ang front seat kaya sumakay na ako roon. Sinundan ko siya ng tingin hanggat makapasok na siya sa driver seat.

" Fasten your seat belt, Jade." mabilis kong sinunod ang utos niya, bakit ba lagi kong nakakalimutan ang seat belt? Dapat kasi ay siya na ang nagkakabit sa akin.


"Nag-aya sila Rachel mamaya sa UP town, sasama ako, a." paalam ko sa kanya.

Nilingon niya ako pero agad din naman niyang binalik ang tingin sa daan, "Ok, then. Just text me if you're done."

"Ok,"


Maayos niyang pinarada ang sasakyan sa gilid. Agad kong nakita si Rachel kasama sila Marvin.


"Mauna na ako,"paalam ko sa kanya.



"Who's that boy?" nakakunot na tanong nito sa akin, tinignan ko ang tinitignan niya. Nakatingin siya kila Rachel, sinong tinutukoy niya?


"Sino diyan?" tanong ko.


"That boy, wearing a blue bag." aniya, si Dominique!


"Ah, he's Dominique." sambit ko.


Nilingon niya ako, nakaangat na ang kilay nito sa akin, his favorite reaction.

Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now