43

121 6 0
                                    

Chapter 43

I placed my palm in my chin while listening to our teacher. She's now discussing our last topic for our midterms. Walang pumapasok sa isipan ko, hindi ko alam kung bakit.

"Ang lungkot mo ata," mahinang sabi ni Rachel sa akin.


"Inaantok lang," sagot ko.


"Hindi e, ang lalim ng iniisip mo," tipid akong ngumiti sa kanya.


This is our last subject for today. Nagsisimula ng dumilim ang kalangitan kaya wala kaming practice ngayon dahil gabi ang pang huling klase namin. Nag practice naman kami kaninang break. Kaya kahit papaano ay na rehearse namin ang mga linya namin.


Ilang araw ng hindi siya nagpaparamdam sa akin,
Didiretso ba ako sa bahay nila mamaya? Sayang naman 'yong cookies na ginawa ko kung hindi niya matitikman.


Bakit ba kasi wala siyang paramdam? Gusto kong malaman kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Dalawang araw ko na siyang hindi nakikita!


"And that's it for today's discussion. Don't pressure yourself while taking your midterm exam, I know that you can do it. Fighting my dear students." nakangiting sabi ng instructor sa amin.


"Good bye and thank you prof," isang ngiti ang binigay ni Prof bago lumabas ng room.

Nag-umpisa na kaming mag ayos ng gamit. Tahimik ko lang na inaayos ang gamit ko nang biglang may umakbay sa akin, tipid akong ngumiti kay Seb at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.

" Problem?"he asked.


" Wala naman,"pagsisinungaling ko.



" Kailan ka ulit gagawa ng cookies? Ang sarap e,"sabi ni Marvin sa akin.


" Wala ka bang oven sa inyo, huh?"sabi ni Rachel sa kanya.


" La, kausap ka na naman? Sabat sabat na naman e, " hindi ko napigilan ang tawa ko dahil sa kanila. Lagi na lang silang nagbabangayan. Baka naman sila ang magkatuluyan nito?



" Baka kayo magkatuluyan niyan a,"sabi ni Dominique, ngumisi ako sa dalawa. Agad naglayo ang dalawa sa isa't-isa.


" Kadiri ka Doms a, iyan papatulan ko? No way, balikan ko na lang 'yong ex ko."


" Kaya naman pala nasa engineering department, kasi may binabalikan." pag-uumpisa ni Seb.


"Kaya naman pala maagang umuuwi kasi may pinupuntahan," sabi naman ni Rachel.


"Joke lang 'yon,"sabi ni Marvin sabay kamot sa ulo.



" Balitaan mo kami kung kayo na a, gawan ko rin siya cookies."natatawang sabi ko kay Marvin, sumimangot naman ito sa akin.


" Ewan ko sa inyo, " sabay sabay kaming natawa sa sinabi niya.



Madilim na ang kalangitan ng makalabas kami, wala akong natanggap na text mula sa kanya. Talagang hindi siya magpaparamdam? Huwag mong sabihin na matatapos ang araw na ito ng hindi kami nagkikita? Is he aware na first month namin ngayon or this is not his thing. Bigla tuloy akong nalungkot, kanina pa pala!


"Look who's here." nakangising sabi ni Rachel sa akin.


"Huh?"kunot noong tanong ko sa kanya, may nginuso ito sa likuran ko kaya tinignan ko iyon. Bahagyang nanlaki ang mata ko ng makita si Andres na naglalakad palapit sa amin, shocks! Isang araw ko siyang hindi nakita akala ko ay hindi ko s'ya makikita ngayon!


Sawyer Series#1 : 2 hot to handle (Completed) Where stories live. Discover now